Ai-Ai delas Alas rants against "napaka-walang breeding" motorist

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas slams an inconsiderate motorist: "kaya d tayo umuunlad sa mga kagaya mong napaka walang ka breeding breeding na MOTORISTA."


Hindi napigilan ni Ai-Ai delas Alas na mag-status sa Instagram tungkol sa aniya’y motoristang walang breeding.

Nag-post ang Kapuso star tungkol sa pagdalo niya ng 78th birthday ni Mother Lily Montervde noong Martes, August 23.

Ginanap ang selebrasyon ng Regal Films matriarch sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan City.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Ai-Ai ang hindi magandang karanasan niya sa isang motorista na bumusina sa kanya.

Lahad niya, “habang kami ay pababa ng CHOI GARDEN may isang napaka ingay na super BUSINA NG PAG KAHABA HABA HABA NA MALAKAS ...

“hello kuya or ate sino ka man.. nakita mo naman na umaambon ng malakas at lahat ng bisita e bumababa .. konteng considerasyon naman kuya ate or SINO KA MAN ...”

Diin pa ng aktres, ang mga taong may ganitong ugali ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa.

“kaya d tayo umuunlad sa mga kagaya mong napaka walang ka breeding breeding na MOTORISTA... buti nalang bday ni mother tiniis ko ang BWISIT KO SA KANYA!!!!! #kungsinokamanmabingikasasarilimongbusina”

Sa comments section, sinabi pa ni Ai-Ai na minsan ay mahirap kumilos o gumalaw ang may sasakyan lalo na kapag malubha ang trapik.


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN