Cesar Montano happy for wife Sunshine Cruz for finding romance with Macky Mathay

IMAGE Allan Sancon

Cesar Montano on estranged wife Sunshine Cruz's boyfriend Macky Mathay: "Wala namang masamang tinapay sa akin. I'm good with everyone, as long as they are assets to our country, ayos lang naman, walang problema."


Tila aprubado ni Cesar Montano ang napapabalitang romantic relationship ng estranged wife niyang si Sunshine Cruz sa half-sibling ni Ara Mina, ang businessman na si Macky Mathay.

Nakangiting komento ni Cesar tungkol dito, “I’m happy for her. Everybody has to be in love.”

May masasabi ba siya tungkol kay Macky.

Ayon sa actor-government official, “Wala namang masamang tinapay sa akin.

“I’m good with everyone, as long as they are assets to our country, ayos lang naman, walang problema.”

Base sa Instagram posts ni Sunshine, mukhang maayos naman ang pakikisama ni Macky sa mga anak ng aktres kay Cesar.

Komento dito ng aktor, “Well, wala naman akong nariririnig na bad news. Praise God, hallelujah.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa opening ng Pista ng Pelikulang Pilipino noong Linggo, Agosto 20.

Sa parte naman si Cesar, walang nababalita lately tungkol sa kanyang love life.

Abala raw kasi siya sa kanyang trabaho sa Tourism Promotion Board office bilang chief operating officer.

“I’m excited to promote our country… I’m in love with my career,” sambit niya.

Pabiro niyang sabi, “Romantically in love? Wala pa nga, e, hanap niyo nga ako.”

Hindi naman daw sarado si Cesar na magmahal muli at magkaroon ng makakasama sa buhay.

“Open na open, lagi naman akong open, e,” sabi niya, na sinundan nang malakas na halakhak.

“Ngayon natitiis ko pa kasi busy ako sa Tourism, pero darating ‘yan, you just have to wait.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN