Tony Labrusca names Liza Soberano as his celebrity crush

IMAGE Noel Orsal

La Luna Sangre actor Tony Labrusca names Liza Soberano as his celebrity crush. "Nagagandahan talaga ako kay Liza. Yung tipong wala siyang bad angle."


Nag-alinlangan pa noong una ang La Luna Sangre actor na si Tony Labrusca bago niya sabihin ang pangalan ng kanyang celebrity crush.

“I feel like I’ll get in trouble if I say this!” natatawang bungad ng 22-year-old newbie actor-singer.

Ngunit pag-amin ni Tony, “For me, nagagandahan talaga ako kay Liza [Soberano]. Yung tipong wala siyang bad angle.

“Yung gusto ko talaga sa kanya, I think, for me, what makes her most beautiful is kitang-kita mo talaga na sobrang bait niya.

“I don’t know her personally...

"For me, what she presents and what she exudes on TV is that she’s a really good person.

"And I think that’s one of the qualities I really look for in a girl is if she’s nice and if she’s genuinely kind."

Sa tanong naman kung gusto niyang makatrabaho si Liza, sagot ng binata, “Sure, why not?

"That would be really cool... if I get to work with Enrique [Gil] and Liza.”

Bukod kay Liza, sobrang nagagandahan din daw si Tony sa Kapuso actress na si Heart Evangelista. 

Una raw niyang napanood si Heart sa pelikulang Ang Tanging Ina (2003), at doon ay nagandahan na siya sa aktres. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tony sa press preview ng music video ng kanyang debut single na “Tanging Ikaw,” nitong Martes, August 22.

Si Tony ang third wheel sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN