Dingdong Dantes requests for taking down of Twitter parody account using wife Marian Rivera's name

IMAGE Rose Garcia

Dingdong Dantes to @superstarmarian: "Kapag involved na ang political views, nagiging dahilan ng threats or hindi magagandang bagay… I'm requesting whoever is behind that parody account to take it down. To express political views na magiging dahilan na magkaroon ng threats or hindi magandang pananaw, sa akin or sa asawa ko or sa pamilya ko, ay hindi ko papayagan."


Nagpahayag si Dingdong Dantes ng pagkadismaya sa paggamit ng pangalan ng asawa niyang si Marian Rivera sa isang Twitter parody account.

Umapela ang Kapuso prime actor na itigil na ng nasa likod ng Twitter account na @superstarmarian ang ginagawa nito dahil nalalagay sa panganib ang kanyang pamilya.

Pahayag ni Dingdong, “Gusto ko pong linawin na wala pong Twitter account ang asawa ko.

“Minsan entertaining na magbasa ng mga parody accounts, but up to the certain point…

“Kapag involved na ang political views, nagiging dahilan ng threats or hindi magagandang bagay…

“Para sa akin, at lalo na sa pamilya, ay hindi ko papayagang mangyari yun.

“Kaya ako, I’m requesting whoever is behind that parody account to take it down. 

“Siguro we were entertained already.

“Yes, we understand how witty you are... and we’re grateful also sa magagandang naku-contribute mo.

“But to express political views na magiging dahilan na magkaroon ng threats or hindi magandang pananaw, lalo na sa akin or sa asawa ko or sa pamilya ko, ay hindi ko papayagan.

“So, I’m respectfully requesting whoever is behind that account to please take it down.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa ika-walong anibersaryo ng Yes Pinoy Foundation sa Resorts World Manila.

Highlight ng celebration ang launching ng I Am Super: An Art Exhibit for Resilience, kung saan isa si Marian sa participating artists.

COLLABORATION. Sa naturang event, naging emosyunal si Marian sa pagmamalaki sa kanyang asawa.

Dahil daw sa oras na inilalaan ni Dingdong sa Yes Pinoy Foundation, nagkukulang naman ito ng oras sa kanila ng kanilang anak na si Baby Zia.

Paliwanag naman ni Dingdong, “Kasi siguro kapag pinag-usapan mo yung life’s work, it becomes personal. 

“Para sa akin, personal ang foundation na ito dahil baby ko rin ito.

"Parang siya [Marian], personal sa kanya ang Flora Vida."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Flora Vida ang pangalan ng flower shop na negosyo ni Marian.

Masaya pang balita ng Kapuso actor, “At first time naming mag-collaborate sa isang project na involved ang parehong mahal namin.

“And it’s something siguro na nagbibigay ng adbokasiya na magandang epekto sa tao.

“Sobrang masaya ako to do this with her.”
 
Nilinaw ni Dingdong na ang participation ni Marian sa exhibit ay bilang floral artist, at ang flower arrangements nito ang ginamit ng dalawang pintor sa kanilang artworks.

Aniya, “Kaklaruhin ko, ha, hindi siya nag-paint.

"Nag-collaborate siya sa mga matatalik kong kaibigan, si Mark Padernal and Carlos Saavedra.

“Ang ginawa nila, yung paintings ng mga kaibigan ko, nilagyan niya ng touch of Flora Vida… yung mismong arrangements niya.

“Yung malaking square, yung blue and pink, sold out na agad, habang ginagawa niya, may buyer na agad.”

Hundred percent daw na kikitain ni Marian sa collaboration na ito ay ipagkakaloob niya sa Yes Pinoy Foundation.

At ang kikitain sa art exhibit, na matutunghayan ngayon sa Resorts World, ay gagamitin sa I Am Super campaign ng Yes Pinoy Foundation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN