Joshua Garcia blushes after Julia Barretto's revelation that she also likes him

IMAGE Mark Atienza

Joshua Garcia is grinning ear to ear after Julia Barretto's admission to all and sundry she also likes him. They're looking like a loveable couple already, why is that? "Ang secret, maging totoo lang, honest... honesty lang talaga," he says. 


Tila naririndi na si Joshua Garcia sa sunud-sunod na mga tanong sa kanya tungkol sa panliligaw niya kay Julia Barretto.

Natigilin at tila nabago ang facial expression ng young actor nang tanungin kung may takot ba siyang ma-reject kaya hindi niya madiretsong hingin ang "oo" ni Julia.

Nangyari ito sa presscon ng pelikula nila ni Julia sa Star Cinema, ang Love You to the Stars and Back, na ginanap sa ELJ Building ng ABS CBN compound, noong Linggo, August 20.

Paliwanag ni Joshua sa entertainment press, “Hindi, kasi... nasabi ko na rin ang sagot ko, parang ayoko nang pahabain pa."

Hindi naman daw napikon si Joshua sa mga tanong at nag-thumbs up pa nga ito sa reporters.
 
Halata namang natuwa at hindi napigilan ni Joshua ang mangiti nang umaming bigla si Julia na may gusto rin ito sa kanya.

“Masaya ako, siyempre gusto niya ako,” sambit ng binata, na halos ay parang kinikiliti sa pagkakangiti.

Halos lahat ay positibo naman sa kanilang dalawa.

Yung pamilya raw ni Joshua ay boto kay Julia, gayundin ang pamilya ni Julia kay Joshua.

“Genuine” ang sinabing dahilan ni Julia kung bakit nagugustuhan sila ng mga tagahanga.

Sinang-ayunan ito ni Joshua at sinabing, “Yun ang secret, maging totoo lang, honest.”  

Si Marjorie Barretto na ina ni Julia ay inaming natutuwa siya kay Joshua.

Bakit kaya pabor na pabor sa kanya ang pamilya ni Julia?

Tugon ni Joshua, “Ako? Tulad ng sabi ko, honesty lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN