Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish: "Sana magtagal na ganito kasaya."

IMAGE Instagram @barbaraforteza

Jak Roberto on Barbie Forteza's hint about the status of her love life: "Kung siya yung 'Monay' at ako naman yung 'Pandesal,' sabi niya sana magtagal, sana nga magtagal na ganito lang, masaya lang, tawa lang nang tawa palagi. Pag lumalabas kami, nanonood kami ng sine, more on kulitan at tawanan. Mga ganun kasi yung nangyayari sa amin." 


Hindi direktang sinabi ni Jak Roberto kung sila na ni Barbie Forteza.

Ngunit aminado ang Kapuso hunk na kinilig siya sa Instagram post ng Kapuso actress nang magpalipad ito ng sky lantern sa Amerika.

Nakasulat sa lantern ang wish ng dalaga: “Monay at Pandesal  sana magtagal [triple hearts]”

Pinaniniwalaang ang tinutukoy ni Barbie na “Pandesal” ay si Jak, na kilala bilang “Pambansang Abs.”

Habang “Monay” naman ang deskripsiyon ni Barbie sa sarili dahil marahil sa bilugan nitong mukha.


Magkarelasyon na nga ba silang dalawa?

Paiwas na sagot ni Jak: “Ang awkward kasi kung magtatanong tungkol sa panliligaw.

“Ayoko kasing magkaroon ng biglang ma-awkward.

“Sayang naman na bigla kang nagsisi, 'Sayang, hindi ko na lang dapat inano or sana na-maintain ko na lang na ganito.'

“Mas maganda kasi yung nangyari sa amin na kung ano lang yung lagi kaming masaya, wala kaming pressure na... wala kaming sinusunod na rules, or wala kaming demands sa isa’t isa.

“Sana, kung ako si Pandesal at siya si Monay, sana magtagal yung ganito lang kasaya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jak sa PEP Exclusive shoot, na ginanap sa Summit Media office ngayong Miyerkules, Agosto 23.

ENJOYING EACH OTHER'S COMPANY. Noong July 31, may Instagram post si Barbie kung saan mayroon siyang ka-holding hands.

Kuha ito sa isang coffee date nang magdiwang si Barbie ng kanyang ika-20 kaarawan noong July 30.


Tiyempong nag-post din noon si Jak ng Instagram story na may larawan ng aktres.


Maituturing ba itong senyales ng pagkakamabutihan nila?

Paiwas pa ring sagot ni Jak, “Hindi namin pinag-uusapan, e.

“Basta ang totoo niyan, mas madalas kasi kaming tawananan lang nang tawanan.

“Kapag isa sa amin may problema, kapag mag-uusap kami, tawanan na naman.

“Para kaming pa-romcom, para kaming nasa sitcom na tawa lang nang tawa.

“Pag may sinabi akong konting bagay na sobrang babaw, tatawa siya nang tatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya rin naman, madalas nilalait niya ako, naglalaitan kami. Tawa lang nang tawa.

“So, ganun lang, masaya lang.”

JAK'S SWEET GESTURE. Ang tanging kinumpirma ni Jak ay lumalabas sila ni Barbie at nagbigay siya ng red roses noong 20th birthday ng dalaga.

Totoong kinuntsaba raw niya ang ina at kapatid ni Barbie upang alamin ang pinakamagandang maireregalo niya para sa Kapuso actress.

Ayon kay Jak, “Halos lahat ng friends niya sa showbiz, nagbigay na.

“So, ako naman, parang ka-close ko rin naman family niya, nakakahiya kung wala akong ibibigay.

“So, tinanong ko yung mommy niya, tinanong ko rin yung ate niya.

“Hanggang sa nasabi sa akin na mahilig siya sa ganito, sa ganyan. Ako na nag-isip kung ano dun.

“So, ang napili ko, yung bulaklak.”

Ang Sunday PinaSaya co-host ni Barbie na si Marian Rivera ang pinagbilhan ni Jak ng regalo nito.

Kuwento ng binata, “Yung rose na yun, galing kay Ate Yan-Yan, sa shop niya sa Flora Vida.

“Nagtanong ako sa kanya, sinuggest niya [Ate Yan-Yan] yun. Kasi alam kong matagal na niya [Barbie] gusto yung bulaklak na yun.”

Ayon kay Jak, hindi imposibleng mahulog ang loob niya kay Barbie.

Lalo na’t nakita raw ng binata kung gaano ito kagiliw nang magkatrabaho sila sa defunct Kapuso primetime series na Meant To Be.

Bukod sa naturang teleserye, nakatrabaho na rin daw ni Jak si Barbie sa Maynila, sa afternoon soap na The Half Sisters, at sa indie film na Laut.

Aniya, “Lagi ko sinasabi na sobrang kumportable ako kapag siya yung katrabaho ko.

“Kahit si Addy [Raj], alam niya kung paano magtrabaho si Barbie, kung paano siya sa co-actors niya.

“Hindi mahirap sa isang lalaki na magustuhan siya as Barbie.

“Masaya kami na lahat kami binigyan niya ng chance para maging ganun siya sa amin, at i-treat din siya kung anong ibinibigay namin sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto
Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto
Are Barbie Forteza and Jak Roberto in a relationship?
Are Barbie Forteza and Jak Roberto in a relationship?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN