Andi Eigenmann on settling custody issue with Jake Ejercito: "Sharing is caring."

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Andi Eigemann says she knows that ex-boyfriend Jake Ejercito loves their daughter and giving them time together is good for the child.


“Sharing is caring.”

Bahagi ito ng pahayag ni Andi Eigenmann kaugnay ng joint custody na hinihingi ng dating boyfriend na si Jake Eigenmann para sa kanilang limang-anyos na anak.

"Everything is all okay now. Jake and I we share Ellie. Sharing is caring," sabi ng Kapamilya actress sa ulat na lumabas sa ABS-CBN News Online nitong Miyerkules, August 23.

Matatandaang noong Abril ay nagsumite ng petition si Jake para sa shared custody ng kanilang anak ni Andi.

Ito ay dahil hindi raw niya basta-basta puwedeng makita ang kanyang anak noon, at minsan ay depende ito sa mood ng aktres.


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition

Pero ngayon, sinabi ni Andi na kahit anong oras ay puwede nang makita ni Jake ang kanilang anak.

Saad niya, “He has the time that he needs to have with my daughter as well.

"It is something that I want and agreed on because I think that's the best for my daughter.

"I want her to feel complete as a human and having her father there beside her is a part of it."

Alam din daw niyang mahal na mahal ni Jake ang kanilang anak, at handa raw siyang isantabi ang isyu nilang dalawa ni Jake para sa bata.

Pahayag ni Andi, "And Jake naman, kahit ano pa yung misunderstanding namin, kahit na di kami nagkakasundo or kung ano man 'yan, when it comes to Ellie, alam kong mahal na mahal niya ang anak namin.

"So, yun lang ang important sa akin.

"The issue of the two of us, I'm willing to set all of that aside just for what's best for my daughter."

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa legal counsel ni Jake na si Atty. Ferdinand Topacio, noong Hunyo, sinabi nitong naging maganda ang kinalabasan ng paghaharap ng kanyang kilyente at ni Andi sa ginanap na pre-trial noong June 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng abugado ni Jake: "Yun pong kasunduan, both parties ay masaya, at ito ay katanggap-tanggap sa bawat panig.

“Sa pagkakataong ito ay matagumpay naman ang ginawa po ni Judge Sulit, sapagkat happy po, masaya po ang bawat panig sa kinahinatnan nito pong pag-uusap at pagkakasundo.”


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition
Jake Ejercito camp hoping to settle with Andi Eigenmann
Jake Ejercito camp hoping to settle with Andi Eigenmann


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN