Elmo Magalona denies he's a bad influence to Janella Salvador

IMAGE Noel Orsal

Elmo Magalona on handling bashers: "Marami naman talagang bashers, maraming haters. But, at the end of the day, kapag binigyan mo sila ng pansin, yun ang gusto nila, e. I just keep focusing on myself because yun ang importante for me."


Nadadawit ang pangalan ni Elmo Magalona sa sigalot sa pagitan ng mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Noong Hulyo ay nag-post ng mensahe sa Twitter si Jenine tungkol sa katigasan ng ulo ng kanyang anak na babae.

Marami naman sa netizens na nag-react ang sinisisi si Elmo, na siya raw dahilan ng pagsuway ni Janine sa kanyang ina.

Ngunit pagtatanggol ni Elmo sa sarili, “I just want to say, as much as possible, tina-try ko talaga maging magandang influence kay Janella.

“Whatever happens, I’m just there for her.”

Ano ang reaksyon niya sa pamba-bash sa kanya ng netizens dahil sa nangyayari kay Janella at sa ina nito?

Tugon ni Elmo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Marami naman talagang bashers, maraming haters.

“But, at the end of the day, kapag binigyan mo sila ng pansin, yun ang gusto nila, e.

“I just keep focusing on myself because yun ang importante for me.

“Yun nga, I’m trying to be a good influence to Janella.”

Pero inamin din ni Elmo na, bilang malapit kay Janella, nalulungkot siya sa nangyari at hiling niyang maayos kung anuman ang problema sa pagitan ng kapareha at ng ina nito.

“Siyempre pag naapektuhan si Janella, naaapektuhan din ako as her partner and as her love team. Sana matapos na ito.”


Stories We Are Tracking

Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella
Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
ElNella mum on Jenine Desiderio's cryptic tweets
ElNella mum on Jenine Desiderio's cryptic tweets

CHANGING PARTNERS. Marami sa successful love teams sa ABS-CBN na kahit sikat at maraming fans ay sinusubukan pa ring ipareha sa ibang stars.

Handa ba si Elmo na mangyari ito sa ElNella loveteam nila ni Janella

Ayon sa Kapamilya star, “Hindi na muna yun ang iniisip ko.

“Siyempre, sobrang dami na naming pinagsamahan, kung magtse-change uli, sayang yung pinaghirapan.

“As much as possible, ayoko, masaya ako sa love team.”

Unang nagkatambal sina Elmo at Janella sa ABS-CBN primetime series na Born For You noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang unang teleserye ni Elmo mula nang lumipat siya ng network, mula GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Sa ngayon ay naka-focus daw si Elmo sa magagandang bagay na nangyayari sa kanila ni Janella.

“Yes, ang daming blessings na dumarating.

“Pag binigyan ko ng focus ang bashers, kinalilimutan ko yung blessings na ibinigay sa akin, which is the movie na ibinigay sa amin.

“I’m just really busy right now and I’m glad I am busy.

“Of course, I’m so grateful for all the blessings na binibigay sa akin dito.

“I know that if I even do better, then more opportunities will come in the future.

“Basta, right now, I’m super happy.”

Magkakasama muli sina Elmo at Janella sa upcoming movie na My Fairy Tail Love Story para sa Regal Entertainment, Inc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN