Aiko Melendez clarifies bar-brawl incident with Iranian ex-boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez on ex-boyfriend Shahin Alimirzapour: "Sana, he'll stop posting sa Instagram niya… a lot of people and our common friends have been sending me what he was posting [about] me. So, sana lang huwag na magparinig, kasi it will not help any… It will not help me, it will not help him, move on na."


Linggo, August 20, may nagpadala ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na diumano'y may nangyaring gulo sa isang bar sa Taguig City, kung saan sangkot ang aktres na si Aiko Melendez at ang ex-boyfriend nitong si Shahin Alimirzapour.

Kaagad nagpadala ang manunulat na ito ng text message kay Aiko, ngunit hindi ito sumagot. Nang lumaon ay sinabi niyang wala siyang natanggap dahil bago na ang kanyang numero.

Halos isang taon na mula nang naghiwalay sina Aiko at Shahin, isang Iranian businessman, at dito sa PEP sila unang umamin tungkol sa kanilang relasyon.


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez, Shahin Alimirzapour break up for real?
Aiko Melendez, Shahin Alimirzapour break up for real?
Aiko Melendez's Persian boyfriend clarifies rumored breakup
Aiko Melendez's Persian boyfriend clarifies rumored breakup
Aiko Melendez denies rumored breakup with Iranian boyfriend
Aiko Melendez denies rumored breakup with Iranian boyfriend

Ngayong Huwebes ng hapon, August 24, eksklusibong nakausap ng PEP si Aiko sa joint presscon nila ni Gelli de Belen, na hinanda ng kanilang management team na Asian Artists Agency, sa 77 Limbaga Restaurant, Quezon City.

Dito ay hiningan namin siya ng paglilinaw tungkol sa nakarating sa aming impormasyon.

Kinumpirma ng Wildflower actress na may insidente ngang naganap sa pagitan nila ng dating boyfriend, sa Revel at the Palace, Uptown Bonifacio, Taguig City.

Lahad ni Aiko sa PEP, “Paano ba... you know kasi, he is not from showbiz.

"When we parted ways, nagkaroon na kami ng usapan na ayoko na siyang maging parte ng buhay ko. I’d like to keep quiet.

“But unfortunately, last Saturday [August 19], hindi ko alam na birthday niya...

"The reason why I went to that place, The Revel, was because my son [Andre] was there, with the big group.

"So, I saw him there. I said, ‘Hi, hello,’ ganyan-ganyan.

“Unfortunately, I’m with a friend na kaibigan ko lang talaga."

Ang kaibigan na tinutukoy ni Aiko ay si Ken Alfonso.

Si Ken ang singer-actor na lumabas sa Kapuso primetime series na Encantadia bilang Gamil, isang sundalo sa Lireo na ginamit ni Pirena (Glaiza de Castro) upang magkaanak.


THE INCIDENT. Kasunod nito ay inusisa ng PEP si Aiko tungkol sa naganap sa Revel at The Palace noong Linggo ng madaling-araw, August 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-away ba sila ni Shahin? Nabastos ba siya?

Tugon ng Kapamilya actress, “I can’t say na I felt violated but, you know...

“Siya ang pumunta kasi sa amin, e, sa grupo namin. He went to our table, I said, ‘Hello, hi.’

“And then, when he approached me, we were all ano… we were all, kumbaga kami, decent way on how to say hello, civil, di ba?”

Patuloy niya, “Tapos, kasayaw ko si Ken Alfonso, yung friend ko, he’s my friend.

"We were all dancing. I’m with my son...

"The reason why I went there, I followed late, because I wanted to pick up my son."

Kuwento pa ni Aiko tungkol kay Shahin, “He approached us and, suddenly, bigla na lang tina-trash talk niya si Ken.

“Ang point ko lang, sana lang respect my friends, kasi wala na naman tayo.

"So, I told him, ‘Shahin, stop it.’

“Luckily, he listened, kaya lang natulak niya yung kaibigan ko.

“Sana lang next time, huwag ganun.

"Minsan na nga lang ako lumalabas, makikita ko na nga lang siya minsan, may ganun pa?

"Kailangan ko rin namang ipagtanggol si Ken.

"Nakakabastos yung ginawa niya dun sa kaibigan ko."

Nilinaw ni Aiko na walang namamagitan sa kanila ni Ken higit pa sa magkaibigan.

“Hindi, hindi, hindi... we're really just friends,” diin niya.

Paano nagtapos ang gabi nila sa nasabing bar?

Sabi ng 41-year-old actress, “Kasi, ang mga bouncers sa Revel are my good friends, so siyempre poprotektahan kami niyan."

Lumalabas na ang hindi pagbati ni Aiko kay Shanin sa kaarawan nito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kaguluhan noong gabing iyon.

Ayon kay Aiko, "Alam mo, ang puno’t dulo nga daw, sabi ng common friend namin, kasi daw hindi ko man lang siya binati nung birthday niya.

“Kasi nakalimutan ko sa sobrang kasabawan ko sa schedule ko, nakalimutan ko lang talaga, nagtatampo siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi naman magandang kapalit yung tampo is manulak siya nung kaibigan ko, na wala namang kinalaman.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw sila okay ng ex-boyfriend.

MESSAGE TO SHAHIN. Hangga't maaari ay ayaw na raw sana ni Aiko na idetalye ang mga nangyari dahil baka raw sabihin ni Shahin na sinisiraan niya ito.

Pero pinaparinggan daw siya ng dating kasintahan sa pamamagitan ng social media.

Diin pa ni Aiko, "Matagal na kaming wala.

"I think it’s but the best for both of us to leave me in peace.

"I’m at peace right now with my life. Ayoko ng controversies.

"Sana, he’ll stop posting sa Instagram niya…

"You know, I didn’t have Facebook for a long time, two days ago lang ako nagka-Facebook ulit.

“So, a lot of people and our common friends have been sending me what he was posting [about] me.

“So, sana lang huwag na magparinig, kasi it will not help any…

"It will not help me, it will not help him, move on na."

Ano ang mensahe niya kay Shahin?

Ayon kay Aiko, “I will not gonna say anything that will put him down.

"I’m just airing my side to apologize more [to] Ken.

“It’s because he's nothing to do with us, he’s nothing to do with our past.

"I always wish Shahin the best. And I hope he does the same."

Bukas ang PEP sa panig ni Shahin Alimirzapour kaugnay ng pahayag na ito ni Aiko Melendez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN