CNN Philippines anchor Amelyn Veloso dies at 43

IMAGE Courtesy: @mi.hermana.ph on Instagram / Amelyn Veloso on Facebook

Isa sa mga labis na nalungkot sa pagkamatay ng CNN Philippines anchor na si Amelyn Veloso ay ang dati nitong kasamahan sa Radyo Singko na si Senator Richard Gordon. 


Ikinagulat ng marami ang biglaang pagpanaw ng CNN Philippines anchor na si Amelyn Veloso ngayong Huwebes, August 24.

Ayon sa mga nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), liver cancer ang dahilan ng maagang pagpanaw ni Amelyn.

Ilang taon na ang nakararaan, nagkaroon daw ito ng breast cancer ngunit lumipat ito sa kanyang atay.

Si Amelyn ay 43 taong gulang lamang. Siya ay ipinanganak noong April 25, 1974.

Una siyang nakilala taong 1999 nang naging anchor siya ng The Big News ng ABC-5.

Kasunod nito, naging anchor din siya ng ilan pang programa ng ABC-5, na kalaunan ay nagbagong-bihis bilang TV5.

Kabilang dito ang Sentro, Sapul sa Singko, Aksyon, at Balitaang Tapat.

Taong 2013, nilisan ni Amelyn ang Channel 5 at lumipat sa Solar News (dating RPN9), na ngayon ay kilala na bilang CNN Philippines.

Ang ilan sa huli niyang programa sa istasyon ay ang Serbisyo All Access at CNN Philippines Newsroom: Morning Edition.

SYMPATHIES ON SOCIAL MEDIA. Nagluksa ang broadcasting industry sa pagkamatay ng itinuturing na napakabait na news personality.

Sa social media, bumuhos ang pakikiramay sa mga naiwan ni Amelyn, mula sa ilang personalidad, kasamahan sa trabaho, at netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mensahe, kabilang na ang mensahe ni Senador Richard Gordon, na naging kasamahan ni Amelyn sa radyo: 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN