Dingdong Dantes firm in shunning politics while continuing public service

IMAGE Rose Garcia

Philanthropy and politics don't mix, as far as Dingdong Dantes is concerned. He declares, "Kahit isang mamamayan ka, makakatulong ka, hindi mo na kailangan ng posisyon."

 


Nabanggit ni Dingdong Dantes na itinuturing din niyang “baby” ang Yes Pinoy Foundation (YPF) na sinimulan niya at kamakailan ay nagmarka ng ika-walo nitong anibersaryo.

Ang YPF ay non-governmental organization na nakarehistro sa buong pangalan ng aktor, Jose Sixto Dantes III.

Kung marami ang humahanga kay Dingdong bilang artista, marami rin ang humahanga sa kanya sa labas ng showbiz bilang isang philanthropist.

Ibang Dingdong nga ang narinig ng entertainment press na nagsalita sa anniversary celebration ng YPF noong Lunes, August 21, sa Resorts World Manila.

Unang pinasalamatan ng aktor ang mga kaakbay niya sa kanyang advocacy.

Pahayag niya, “Hindi madali ang walong taon. 

“Hindi kami makakarating dito kung hindi dahil sa tulong ng maraming tao, mga partners, pamilya namin na sumusuporta magmula noon.

“Hindi namin mararating ang mga areas, yung beneficiaries, the sectors that we want to serve, kung hindi dahil sa participation ng mga local governments and mga leaders.

“So very, very important para sa amin ang tulong nila.”

Marami nang mga proyekto ang nagawa ng YPF, sa tulong ng partners nito sa private at government sectors, para sa kabataan simula noong 2009.

Marine reservist si Dingdong kaya naman isa sa pinakaunang projects ng YPF ay ang pagbibigay ng full college scholarships sa mga anak ng fallen Philippine marine soldiers.

Inilunsad din ng foundation ang Oplan Restore Paaralan para sa mga nasalanta ng mga bagyong Ondoy at Pepeng, bukod pa sa relief operations noong kasagsagan ng mga bagyong ito.

NO TO POLITICS. Dahil sadyang malakas ang tawag ng public service kay Dingdong, hindi ba niya naiisip na mas marami siyang magagawa bilang elected representative o opisyal ng bansa?

Ayaw niya ba talagang pasukin ang mundo ng pulitika?

Tugon ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, ang pananaw ko naman diyan, katulad ng mga challenges, hindi mawawala. 

“Whether in position or not, it should not stop the advocacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It should not stop people or NGOs to continue ang ginagawa nila.

“Para sa akin, we are more empowered because of our collaborators.

“Kaya nagkakaroon kami ng fuel, kumbaga, na tumulong at umikot.

“Kahit isang mamamayan ka, makakatulong ka, hindi mo na kailangan ng posisyon.”
 
GO BAGS. Sa anniversary celebration ng YPF, inilatag din ni Dingdong ang nabuo nilang kampanya na nakatuon pa rin sa mga kabataan sa disaster-prone areas sa bansa.

Ayon sa kanya, magbibigay ang YPF ng Go Bags sa lahat ng mga estudyante sa 10 public schools na itinala ng Department of Education na most vulnerable.

And Go Bags ay backpacks na naglalaman ng emergency kits at instructional materials na makakatulong sa panahon ng unos.

Paliwanag ni Dingdong, “More than giving the backpack, it’s more about resilience.

“The fact na handa sila, na alam nilang merong risks sa area nila, nagiging prepared sila.”

Sabi pa niya, “Tatakbo itong kampanya ng higit dalawang taon. 

“Hindi rin ganun kabilis gumawa ng libo-libong mga bags na personalized ang designs.

“Ang gumagawa ay yung Taklub, isang social enterprise based in Tacloban, sila yung mga Yolanda survivors.”

Parte rin daw ng fundraising ng YPF ang pagbebenta online ng personalized Go Bags.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN