Willie Revillame reveals plan to help Kris Aquino make a TV comeback

IMAGE Instagram

Willie Revillame on helping Kris Aquino: "Tutulungan ko siya, tutulungan ko talaga siya. Hindi dahil sa anupaman, dahil mahal ko siya, dahil anak siya ni Tita Cory, dahil mabuti siya na tao. Wala siyang mean bone sa katawan. At alam ko, pareho lang kami na misinterpreted. Pareho lang naman kaming dalawa niyan, e, pero pinapanood, inaabangan, nagre-rate."


Kinumpirma ni Willie Revillame sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, August 25, ang plano niyang tulungan si Kris Aquino para makabalik ito sa telebisyon at magkaroon ng programa sa GMA Network.

Ayon kay Willie, ang bagong business manager ni Kris na si Arnold Vegafria ang nakipag-ugnayan sa kanya dahil gusto umano ng TV host-actress na maging “babaeng Willie Revillame.”

Ito ang dahilan kaya naganap ang pag-uusap nina Willie at Kris sa Edsa Shangri-La Hotel, kahapon, August 24.


Stories We Are Tracking

Will Kris Aquino co-host <em>Wowowin</em> with Willie Revillame?
Will Kris Aquino co-host Wowowin with Willie Revillame?

Lahad ni Willie sa PEP: “Sabi ko, ‘Si Kris, ibalik natin, sige. Tulungan ko kayo.’

“Kaya humingi ng meeting si Arnold, ‘O, gusto kang makausap ni Kris.’

“Sabi ko, ‘Sige, usap tayo.’

“Ayun na, kahapon na yun. Kalat na kalat na nga yung meeting namin kahapon.”

Sabi pa ng veteran TV host, “Tutulungan ko siya, tutulungan ko talaga siya.

“Hindi dahil sa anupaman, dahil mahal ko siya, dahil anak siya ni Tita Cory, dahil mabuti siya na tao.

“Wala siyang mean bone sa katawan.

“At alam ko, pareho lang kami na misinterpreted.

“Pareho lang naman kaming dalawa niyan, e, pero pinapanood, inaabangan, nagre-rate.

“Yun naman ang importante, di ba?” 

Hindi rin daw nangimi si Willie na sabihan si Kris na kailangang magpakumbaba ng huli para makabalik sa telebisyon.

“Pinaprangka ko siya, sabi ko, ‘Makinig sa akin, Kris. Kung gusto mong makabalik, hindi naman sa ano, pinagdaanan natin ito lahat, you have to listen to me.’”

Sinabi rin ni Willie sa PEP.ph na, sa hiwalay na meeting niya kasama ang GMA-7 executives na sina Felipe Gozon, Jimmy Duavit, Bobby Yalong, at Annette Gozon, napag-usapan nila si Kris.

“But, you know, hindi naman ganoon kadali ‘yan.

“Siyempre, kukumbinsihin ko pa sila, baka ganoon, baka ganito.

“Parang ako rin yan nung kinukuha nila—slowly. And then ang importante, nakabukas na ang pintuan mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Willie tungkol kay Kris, “Nakakatuwa si Kris, maraming kuwento, nakakatawa.

“Okey naman siya, walang problema.”

Parehong galing sa bakuran ng ABS-CBN sina Willie at Kris, kung saan sila ay namayagpag bilang malalaki at powerful stars.

Si Willie ang host ng dating globally popular noontime show, ang Wowowee, na nagtagal sa ere mula 2005 hanggang 2010.

Umalis siya sa Kapamilya network noon ding 2010.

Noong taong ding iyon ay lumipat siya sa TV5, kung saan nanatili siya hanggang 2013.

Noong 2015 ay nagbalik-telebisyon si Willie, ngunit sa pagkakataong ito ay sa bakuran na ng GMA-7.

Si Kris naman ay iniwan ang ABS-CBN noong 2016 pagkatapos ng 22 taon.

Bagamat naging usap-usapan na lilipat siya sa GMA Network, wala pang regular na programa rito ang TV host-actress, maliban sa isang travel special.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN