Solenn Heussaff explains why live-in before marriage worked for her and Nico Bolzico

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff on live-in arrangement: "Para sa akin, mas makikilala mo yung tao. Kasi, for me kunwari, five years akong hindi nag-live-in with him, tapos marriage, magiging sobrang laki na ng change na baka hindi mag-work yung relationship."


“We're super chill.”

Ganito inilarawan ni Solenn Heussaff ang relasyon nila ng kanyang asawa na si Nico Bolzico.

Sa mahigit isang taon nilang pagiging mag-asawa, wala pa naman daw silang matinding hindi pagkakaunawaan.

Sabi ni Solenn, “Parang pareho kaming dalawa.

"Minsan makulit siya, minsan makulit ako. Parang magkaibigan lang.

“Wala kaming fights, that's the annoying part.

“Sabi niya, 'Can you scream at me?' Basta ako, silent treatment lang.

“Super chill, kaya magwo-work talaga.”

Sa tingin ni Solenn, naging malaking tulong ang pagli-live-in nila ng kanyang Argentinian husband bago magpakasal.

“I understand that it's everyone's choice.

“Para sa akin, mas makikilala mo yung tao.

"Kasi, for me kunwari, five years akong hindi nag-live-in with him, tapos marriage, magiging sobrang laki na ng change na baka hindi mag-work yung relationship.

“Messy si Nico, if I didn't know that, baka ano, baboo!

“Pero ngayon, we got to compromise, I know how he is.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Solenn sa press conference ng Kapuso game show All-Star Videoke kahapon, August 24.

ANNE-ERWAN WEDDING. Samantala, tikom ang bibig ni Solenn nang tanungin siya tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang nakababatang kapatid na si Erwan sa actress-TV host na si Anne Curtis.

Kahit anong tanong ay ngiti at salitang “secret” lamang ang naging tugon ni Solenn.

Gayunman, naniniwala siya na magiging maayos din ang samahan nina Anne at Erwan kapag naging mag-asawa na sila.

“They know each other well naman, mga eight years na silang magkasama.

“They live naman together. We're very modern like that,” aniya.

Dagdag tulong din daw ang madalas na pagta-travel nina Anne at Erwan.

Ani Solenn, “They're always together. Sanay na [na sila], they've travelled...

“As in yung travel diary nila sobrang daming places na nag-visit silang dalawa, so they know how to be together. Travel buddies talaga sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sabi ni Solenn sa soon-to-be-married couple, “Suwerte ni Anne and ang suwerte rin ng kapatid ko. I love Anne.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN