Jake Vargas nervous about meeting Inah de Belen's dad, John Estrada

IMAGE Noel Orsal

Jake Vargas is starting the round of meet-the-parent for girlfriend Inah de Belen. He was welcomed in the home of her mom, Janice de Belen. He is expected to meet her dad, John Estrada. Is Jake nervous? "Of course, tatay yun, siyempre… kaso wala pang time."


Mag-iisang taon na ang relasyon ng Kapuso stars na sina Jake Vargas at Inah de Belen.

Nasabi nga ng ina ni Inah na si Janice de Belen na basta maganda ang impluwensiya sa anak niya ng lalaking nauugnay rito ay okay na siya doon.

Reaksiyon naman dito ni Jake, “Thank you, ang laki ng respeto ko sa kanila.”

Naka-bonding na raw ng binata si Janice nang bumisita siya sa bahay nito sa Parañaque.

“Nagluto siya, ipinagluto niya kami ng kimchi rice,” banggit niya.

Pero ang ama ni Inah na si John Estrada ay hindi pa nakikilala nang personal ni Jake.

May nerbiyos ba si Jake na makilala si John?

“Of course!” natatawang pag-amin ni Jake. “Oo, tatay yun, siyempre.”

May naikuwento ba sa kanya si Inah na reaksiyon ni John sa relasyon nila?

Sabi ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman, wala namang problema.

“Dapat talaga magmi-meet, kaso wala pang time din, kasi nagte-taping yata yung father niya.”

Ang huling dalawang shows ni Jake sa GMA-7 ay ang Oh My Mama! at Encantadia, kung saan sila ni Inah ang magkapareha.

Paano kung sa susunod niyang soap opera ay hindi si Inah ang leading lady niya?

“Okay lang, basta may trabaho,” tugon niya..

Kahit naman daw kay Inah ay hindi iyon magiging problema.

THANKFUL TO KUYA BITOY. Walong taon na si Jake sa GMA Network at kakapirma lang niya ng bagong three-year contract.

Sobra raw ang pasasalamat niya na sa loob ng walong taon ay kasali siya sa weekly comedy series na Pepito Manaloto.

Sa tulong daw ng naturang Saturday night show ay nakapagpundar si Jake ng sasakyan at isang condo unit.

Sa condo unit niya sa Quezon City na siya nakatira.

“Kapag weekend lang po ako nakakauwi sa Olongapo, bale dalawang unit po siya na pinag-isa ko,” sabi ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagrerenta ng condo rin ang negosyong pinasok na ni Jake.

“Tumitira ako dun after, kapag may nakita akong bago, paparentahan ko.”

Marami na raw natutunan si Jake sa co-star niya sa Pepito Manaloto na si Michael V, na kung tawagin niya ay Kuya Bitoy.

“Sa lahat naman… sa acting, kung paano ako nagsimula sa Pepito Manaloto, inalagaan niya kami, ginabayan niya kami.

“Pati sa love life!” natawa niyang sabi.

Dagdag ni Jake, “Tama lang daw yung ginagawa ko, basta kung okay, hangga’t okay, okay.

“Basta huwag lang masyadong seryoso kasi masyado pa kaming bata.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN