Lotlot de Leon bashed by Noranians for Instagram photo with biological mom

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Umani ng batikos mula sa ilang Noranians ang Instagram post ni Lotlot de Leon kung saan kasama nito ang kanyang biological mother na si Eva Rodriguez (right). Ayaw magpaliwanag ni Lotlot at sinabi na lamang na "at the end of the day, the truth will always set us all free."


Ayaw nang patulan ni Lotlot de Leon ang ilang Noranians na nang-bash sa kanya matapos nitong i-post sa Instagram ang pagkikita nila ng kanyang biological mom na si Eva Rodriguez.

Marami naman ang natuwa sa pagkikita nila.

Isa na rito ang stepmom niyang si Sandy Andolong, na nag-comment din sa Instagram post ni Lotlot.

Sabi ni Sandy: “Happy for you @mslotlotdeleon.”

Sinagot naman siya ni Lotlot ng: “@sandy_andolong_de_leon love you nay.”

Si Sandy ang asawa ng adoptive father ni Lotlot na si Christopher de Leon.

Pero hindi nagustuhan ang Instagram post ni Lotlot ng ilang Noranians.

Ang tinatawag na Superstar, na si Nora Aunor, ang umampon kay Lotlot noong sanggol pa lamang ito.

Pinamukhaan ng ilang Noranians si Lotlot na kundi raw ito kinupkop ni Nora at kundi binigyan ni Christopher ng apelyido niya, malamang hindi raw ito papansinin ng tunay na ina.

Sabi ni @marlonme17: “Masaya yong biological mother mo ngayon dahil artista ka, kung hindi iwan ko lang kung papansinin ka pa. Hindi ka nga pinansin nung ika’y bata pa pina-ampon ka eh ngayon? Pangiti-ngiti na yung biological mother mo dahil pakinabangan ka na.”

Pinaalala rin ng isang Noranian na hindi man lang daw madalaw ni Lotlot ang Mama Guy niya.

Kahit may pagkakamali mang nagawa si Nora, naniniwala raw silang magkakaayos pa rin silang lahat, kundi lang daw sana matigas ang puso ni Lotlot.

Sila nga raw na fans, kahit may pagkakamaling nagawa ang Superstar, nandiyan pa rin sila at hindi nagbabago ang pagmamahal kay Nora.

Bahagi pa ng komento ni @evelynlamagna: “Lot, alam ko na di matigas ang puso mo para sa Mommy mo, naniniwala ako na darating ang araw magkakasundo rin kayo.

“Maiksi lang ang buhay, habang buhay pa ang nag-aruga sa yo o ang Mommy mo, bigyan mo siya ng oras na dalawin mo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana Lot wag mong ikagalit, concern lang kaming fans sa family nyo.

“Kung may pagkakamali o pagkukulang man siya bilang ina sa inyong magkakapatid, patawarin niyo na siya o kayo na ang umunawa sa mommy niyo.”

Pati na ang panganay na anak ni Lotlot, ang GMA star na si Janine Gutierrez, ay bina-bash din ng mga Noranians na nagkomento sa IG account ng dalaga, noong binati nito ang paternal grandmother niyang si Pilita Corrales na nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang.

Happy 30th birthday, Mita! ;) I love you with all my heart and more ??

A post shared by JANINE ???? (@janinegutierrez) on

Bakit daw nung nag-birthday si Nora, hindi man lang daw ito nabati ni Janine sa IG?

LOTLOT’S MESSAGE. Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin si Lotlot kaugnay sa isyung ito, pero tumanggi siya.

Nagpadala na lang siya ng text message bilang statement sa ipinagsisintir ng ilang Noranians.

Narito ang kabuuan ng text message ni Lotlot na ipinadala sa PEPph:

“Marami po akong gustong sabihin, pero alam ko naman na anuman ang sasabihin ko, nasa kanila kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

“Kung sa pagpapaliwanag, wala po akong dapat ipaliwanag kahit na kanino; alam ko, I cannot please everybody.

“Basta ako po, sa abot ng aking makakaya, uunawain at mamahalin ko ang mga taong dapat unawain at mahalin.

“At sa mga taong hindi ako kayang unawain at mahalin, wala po akong magagawa, karapatan nila iyun na hindi ko aalisin sa kanila ang karapatan nilang iyun.

“Kung anuman po ang nais nilang sabihin, hindi ako kikibo, alam ko, tulad ng isang bagyo o unos, ang lahat ng ito ay huhupa.

“Tulad po ng recent IG post ko, ‘Sometimes, you just have to bow your head, say a prayer and weather the storm.

“At naniniwala po ako, at the end of the day, the truth will always set us all free.”


Stories We Are Tracking

Lotlot de Leon reunites with biological mom after 26 years
Lotlot de Leon reunites with biological mom after 26 years


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN