Paul Salas still gets bashed despite apologizing to Daniel Padilla

IMAGE Noel Orsal

Paul Salas to Daniel Padilla: "Pasensiya na, 'tol, kung medyo nabastos ka. Alam ko naman na parang pang-backstab na yun. Wala naman akong against, wala akong galit sa iyo. It's all trash talk."


Sa kabila ng paghingi ng dispensa ni Paul Salas kay Daniel Padilla sa panayam ng una sa ABS-CBN news program na TV Patrol, marami pa ring netizens ang kumukuwestiyon sa sinseridad nito.

Base sa komento ng iba, hindi raw nila maramdaman na bukal sa loob ni Paul ang paghingi ng tawad nito.

Humingi lang daw ito ng sorry dahil sa katakut-takot na pamba-bash na tinatanggap nito mula sa KathNiel fans, ang mga tagahanga ng tambalan nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Nag-ugat ang isyu sa pangungutya ni Paul sa napanood niyang engkuwentro nina Daniel at JC de Vera sa Star Magic All-Star basketball game noong August 13.

Naging trending topic sa Twitter ang patutsada ni Paul kay Daniel na mas mabuting maglaro na lamang ang La Luna Sangre actor ng lazer tag kung ayaw nitong masaktan sa basketball.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Karla Estrada to Paul Salas:
Karla Estrada to Paul Salas: "Huwag tayong mangungutya."
Paul Salas apologizes for
Paul Salas apologizes for "trash talking" Daniel Padilla

IGNORING THE BASHERS. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Paul sa Reyes Gym, Mandaluyong City, noong Miyerkules, August 23, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa paratang ng bashers sa kanya.

Saad niya, “Nung una, nagulat ako.

“Sabi nila, ‘Ano ba itong si Paul Salas na ito, ayaw mag-sorry.’

“Tapos nung in-explain ko na ang side ko, nag-sorry na ako, ganun pa rin.

“Basta ako, ginawa ko na ang part ko, nag-sorry na ako.

“Anyway, magso-sorry din ako kay DJ sa personal pag nagkita kami sa court.

“As long as okay na kami ng friends niya, saka si DJ, okay na ako dun.”

Dagdag niya, “Ayaw nilang ginaganun ang idol nila, naiintindihan ko naman yun.”

Ipinagkikibit-balikat na lang daw ni Paul ang pamba-bash na ito sa kanya ng KathNiel fans.

Sabi niya, “Hindi ko na lang pinapansin."

At nagkausap na raw sila ni Marco Gumabao, na katropa ni Daniel.

“Nung nakausap ko nga rin sila Marco, sinabi din daw ni DJ sa akin na huwag ko na lang pansinin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala tayong magagawa, involved sila, kasi mahal nila ang idol nila.

“Same din sa fans ko, mahal nila ako, so nai-involve lahat.

“Para sa akin, wala naman yun, at least may inaabangan silang basketball sa amin.”

Sa gitna ng gusot na ito ay nadamay na rin ang girlfriend ni Paul na si Barbie Imperial.

Pahayag ni Paul tungkol dito, “Oo nga, e, wala naman akong nakikita na dapat i-bash sa kanya, kasi nandiyan lang siya para ipagtanggol ako.

“Tulad nga ng sinabi niya, hindi lang nandiyan siya dahil masaya kami.

“Kahit daw anong pamba-bash sa akin, kahit ano pa man, through thick and thin, nandiyan siya para sa akin.”

PERSONAL APOLOGY. Mula nang pumutok ang isyu sa pagitan nila, hindi pa raw nakakausap ni Paul si Daniel.

“Sinabi ko na kila Marco, hindi ko pa nahihingi yung number.

“Hindi pa, dapat tatawagan ko na sinabi ko na lang kila Marco, kasi magkakasama din daw sila sa grand opening ng District 8.

“Sabi ko, pakisabi na lang kay DJ muna.”

Ang District 8 ay ang bagong bukas na gastropub sa Greenhills, San Juan City, kung saan isa si Daniel sa mga may-ari.

Mas gusto raw ni Paul na personal siyang makahingi ng dispensa kay Daniel.

“Gusto ko pag nagkita na lang kami sa court.

“Ako mismo ang lalapit na, ‘Bro, trash talk lang yun, ha. Pag naglaro tayo, kasiyahan na lang ito.’

“For sure, pagdating namin sa court, magtatawanan na lang kami nun.

“Pag nagkita naman kami, inaano ko na yung chance, ako na unang lalapit.”

Hindi man masasabing close sila, pero itinuturing na kaibigan ni Paul si Daniel.

Kuwento pa niya, “Pag nagkikita kami, nakakausap ko siya.

“Sa Star Magic sportsfest two years ago yata yun, kakampi ko siya, Black team.”

Diin ni Paul, "Wala talaga akong galit against DJ.”

TRASH TALK. Sa naging panayam ng PEP kay Daniel, sinabi ng popular na young actor na nabastusan siya sa ginawang pagtu-tweet ni Paul, lalo’t wala naman siyang naaalalang away sa pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Paul na wala talaga silang away ni DJ.

Aniya, “Nagulat nga ako na napa-tweet si DJ, kasi minsan lang mag-tweet yun, so nagulat talaga ako.

“Hindi na rin ako nag-trash talk. Sinabi ko na lang na, ‘Game na lang, magpapa-sked na ako.’

“Bago ko i-tweet yun, tinawagan ko ang mga kaibigan niya, si Marco.

“Si Marco yung una, kasi siya yung unang nag-reach out, ni-reach out ko siya sa Twitter, sa DM, siya na rin nagsabi ng number, tapos nagkatawagan kami ni Marco.

“Sabi ko, ‘Bro, sana maintindhan ninyo na trash talk lang, wala akong hate against kay DJ, lalo na sa inyo.’

“Sabi niya [Marco], ‘Oo, wala naman yun.’

“Gusto lang daw niya talaga 5-on-5 na baskteball game, as a friendly game, pero walang away.”

Positibo si Paul na matutuloy ang laban ng team niya sa team ni Daniel sa basketball court.

“Yung last na pag-uusap namin kasi, inaayos lang namin ang schedule.

"Kasi kilala naman natin, Daniel Padilla, busy ‘yan, sobra.

“Pagka di siya busy, sabi ko, baka Sunday. Baka this September, puwede kaming maglaro, okay daw.

“Near ABS lang, sa PBB court yata.”

Nami-miss na raw niyang maglaro ng basketball kasama ang grupo nina Daniel.

Saad ni Paul, “Oo, miss ko na sila kalaro.

“Sila Marco last two years nakakalaro ko na ang mga ‘yan. Si Marco, si DJ nakalaro ko na rin ‘yan sa PBB court last year or two years ago.”

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Paul para kay Daniel.

Pahayag niya, “Pasensiya na, ‘tol, kung medyo nabastos ka.

“Alam ko naman na parang pang-backstab na yun.

"Wala naman akong against, wala akong galit sa iyo. It’s all trash talk."

Para naman sa KathNiel fans na patuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya, ito ang mensahe ng young actor:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Move on na. Tulad nga din ng sabi ni DJ, napanood ko, move on na.

“Hindi naman daw siya galit, nabastos lang daw siya.

“Ayun, nag-sorry na nga ako. Sana mag-move on na rin yung mga namba-bash sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN