Marian Rivera admires hubby Dingdong Dantes's charitable spirit

IMAGE Rose Garcia

Marian Rivera lauds husband Dingdong Dantes's generosity and dedication to his noble advocacies: "Kapag sinasabi kong wala siyang time sa amin, sinasabi niya, 'Hindi totoo 'yan,' pero totoo. Minsan nawawalan siya ng time dahil sa pagtulong niya sa ibang tao." 


Suportado ng Kapuso actress na si Marian Rivera ang mga adbokasiya ng kanyang mister na si Dingdong Dantes sa Yes Pinoy Foundation (YPF), ang non-government organization na itinatag ng aktor.

Pagmamalaki ni Marian, “Nakakatuwa kasi na yung partner ko, walang sawa sa pag-extend sa pagtulong sa ibang tao. 

"Sabi ko nga minsan, niloloko ko siya. 'Sige, okey lang, intindihin kita na kahit busy ka sa taping, busy sa Yes Pinoy Foundation.' 

“Kung saan-saan nagpupunta para magbigay ng Go Bag na ito.

"Sabi ko, naa-appreciate ko, kasi ang buti niyang tao. Makikita niyo naman talaga.

“Sa totoo lang, hindi naman mangyayari ang lahat ng ito... in denial po siya.

"Kapag sinasabi kong wala siyang time sa amin, sinasabi niya, 'Hindi totoo ‘yan,' pero totoo.

“Minsan nawawalan siya ng time dahil sa pagtulong niya sa ibang tao." 

Sa puntong ito, naging emosyunal si Marian at hindi napigilang maluha.

Aniya, “Okey lang, iniintindi namin ni Zia. Kasi ganun siya, e. Love niyang tumulong sa iba. 

"Hindi ‘yan natutulog hangga’t hindi niya naaayos lahat. 

"Hindi ‘yan matutulog hangga’t hindi niya napi-please ang mga dapat bigyan at mga nangangailangan.

“Siguro, bukod sa pagiging responsible niya sa aming pamilya, sobrang proud ako sa kanya na naging asawa ko siya.

"My god, nag-iisa lang yata siya sa mundo—na lahat ibibigay, wala nang tinira. 'Uy, magtira ka naman sa amin!' Joke lang.

“Pero ganun siya ka-dedicated para tumulong sa ibang tao. 

"For sure, hindi lang ako ang magte-testimonial na, 'Ito si Dong.' 

"For sure, lahat kayo, bawat isa sa inyo, may masasabi kayo kung gaano kabuti at kabusilak ang puso ng asawa ko."

Baling pa ni Marian kay Dingdong, “So Dad, sobrang proud ako sa ‘yo no matter what. 

"Palagi akong nasa likod mo anuman ang mangyari sa ating dalawa. Palagi kitang mamahalin at iintindihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m proud of you.”

SIGNIFICANCE OF EIGHT. Naging espesyal na araw para kay Dingdong ang August 21 dahil sa pagdiriwang ng ika-walong taon ng Yes Pinoy Foundation.

Kaugnay nito ay nagkaroon ng selebrasyon at isinabay na rin ang paglulunsad ng "I Am Super" campaign sa Resorts World Manila noong araw na iyon.

Sabi ni Dingdong sa kanyang talumpati, “Walong taon na po ang Yes Pinoy Foundation. Very significant sa amin ang eight.

"Hindi lang dahil paborito namin, kundi sa aming mag-asawa ay may kahulugan yun.

“Kaya sa pang-walong anibersaryo, gusto namin ng ganitong klase ng programa ang isi-share namin sa lahat ng tao and people close to our hearts,”

Muli ring sinariwa ng aktor pagsisimula ng Yes Pinoy Foundation noong 2009.

Nagsimula sila sa pagbibigay ng scholarships, hanggang sa pagpapatayo ng mga paaralan, pamamahagi ng libu-libong upuan, at gayundin ang pagti-train ng libu-libong mga kabataan para sa disaster preparedness.

Ayon sa Alyas Robin Hood actor, “Kung mapapansin niyo, nagbabagu-bago at nag-e-evolve din ang concept at program ng Yes Pinoy.

"Yun ay dahil we always respond to the needs.

“All throughout the years, we also identified one important issue for us to address—yun ay climate change at disaster preparedness. 

"Alam naman natin na ang bansa natin ay isa sa mga vulnerable pagdating sa disaster risks, climate changes, at siyempre, not to mention man-made disasters na nangyayari sa mundo natin.”

EMPOWERING THE YOUTH. Ang pinaka-vulnerable daw sa lahat ay ang sektor ng kabataan. Ito ang dahilan sa pagbigay-interes ng YPF sa kapakanan ng mga kabataan. 

Kasabay ng ika-walong taong anibersaryo ng YPF ay ang paglulunsad nila ng “I Am Super” campaign, na ang hangad ay makapagbahagi ng YPF Go Bags—hooded backpacks na may kasamang emergency kits at learners materials—sa lahat ng estudyante sa sampung paaralan sa highly-at-risk to natural at human-induced disasters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Department of Education.

Ayon kay Dingdong, “When you say I Am Super, parang hindi ba isang superhero ang pinapakilala niyo? 

"It aims to empower, because we  want them to be equipped kapag dumating na ang mga ganitong klaseng sakuna.

“Pero hindi mangyayari yun kung hindi sila mae-empower ng mga taong ito. 

"Yes Pinoy is definitely being empowered by these collaborators. 

"Masasabing sila ang hero, sila ang super dahil sila ang may kagagawan nito.

“Kung hindi dahil sa kanilang art works, hindi magkakaroon ng pondo para mabili ang mga bags na ito.”

Noong August 21, ang unang araw ng "I Am Super: An Art Exhibit for Resilience," na makikita sa ground floor ng Resorts World Manila hanggang August 27.

SIGNIFICANCE OF NUMBER 8. Nabanggit ni Dingdong na espesyal sa kanilang mag-asawa ang numerong 8, katulad nga ng Yes Pinoy Foundation na nagdiriwang ng ika-walong taong anibersaryo ngayong taon.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung bakit espesyal sa kanila ang 8.

“Ano ba sabi niya?” natatawang pagtukoy niyasa asawa.

“Ewan ko sa kanya, ano bang meron sa eight?

"E, kasi raw, ang eight, no beginning and no ending.

"So siguro, sinasabi niya na kahit na anong mangyari, hangga’t kaya niya, e, ie-extend niya ang tulong niya sa ibang tao na hindi magtatapos dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN