What Jonas Gaffud teaches beauty queen aspirants beyond the glitz and glam: "Fight for what you believe in."

IMAGE Rose Garcia

Renowned beauty queen maker Jonas Gaffud emphasizes what he wants beauty queen aspirants to know by heart: "You know in the book, sa last part ng book, sinabi ko run na what I want with beauty queens talaga, in the end, when they win or they join beauty pageants, they have to stand up for something. It doesn't necessarily mean kahit na hindi siya popular na belief, kung tingin mo tama siya, then you have to fight for what you believe in." (In photo, Jonas with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach


Kilalang-kilala na si Jonas Gaffud bilang beauty queen maker.

Sunud-sunod na taon nang nakakapag-uwi ng korona sa iba't ibang international beauty pageants ang mga beauty queen aspirants na mina-manage niya, o kaya'y nanggagaling sa bakuran ng kanyang Aces and Queens management outfit.

Alaga niya si Mariel de Leon na siyang lalaban sa Miss International sa November.

Katulad ni Pia Wurtzbach noon, muli itong lumaban sa Binibining Pilipinas at siyang kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-Miss International.

Nakikita ba ni Jonas na posibleng makuha nitong muli ang Miss International crown?

Lahad niya, “Well, sana manalo siya. Sana mag-back-to-back.

“Kasi, yun ang ina-eye naming talaga.

“Never in the history of Miss International na nag-back-to-back.

“Medyo mahirap yun abutin, but I believe in destiny.

“I believe in what she can do and she speaks her mind well, and hindi siya natatakot matakot magsalita against her belief.”

“FIGHT FOR WHAT YOU BELIEVE IN.” Kamakailan lang nga ay naging maingay na naman si Mariel dahil sa pagsisiwalat nito ng personal na opinyon na madalas ay may usaping pulitika.

Yung ganung karakter ni Mariel, okey sa kanya?

“You know in the book, sa last part ng book, sinabi ko run na what I want with beauty queens talaga, in the end, when they win or they join beauty pageants, they have to stand up for something.

“It doesn’t necessarily mean kahit na hindi siya popular na belief, kung tingin mo tama siya, then you have to fight for what you believe in,” diin niya.

Proud siya kay Mariel?

“Yes, I’m very proud of her,” pag-amin niya.

WINWYN. Isa pang alaga niya ay si Winwyn Marquez na lumalaban naman ngayon sa Miss World Philippines pageant.

“Si Winwyn, gusto kong manalo siyempre,” saad niya.

Nakikita niyang malaki ang pagkakataon nitong manalo?

“Oo, si Wyn kasi nakikita ko na lumalaban talaga siya ngayon. Iba yung aura ni Wyn.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RACHEL. Ang nanalo namang Binibining Pilipinas-Miss Universe na si Rachel Peters ay hindi sa kanya nanggaling.

Pero ano ang tingin niya rito kapag lumaban na sa Miss Universe?

Pag-amin niya, “Malakas ang chances ni Rachel.

“Nag-uusap din naman kami. Pumunta siya sa restaurant namin.

“Nag-uusap din sila ni Pia sa Instagram.

“Siyempre supportive pa rin kasi bansa natin ‘yan, e.”

HELPING MISS INDONESIA. Sa isang banda, meron namang tila hindi nagugustuhan ang ginawa niyang pagti-train sa beauty queen mula sa ibang bansa.

Ito ay si Kezia Warouw na Miss Universe Indonesia 2016.

Pero ayon kay Jonas, wala siyang nakikitang masama sa bagay na ito.

Kuwento ni Jonas, “Ang weird kasi, si Miss Indonesia last year yun.

“Parang kinausap lang naman namin. Kinausap lang namin, nag-peptalk lang.

“Kasi, you have to give back when you know when to give back.

“Ang make-up artist namin since 2008, siya ang nagti-train ng mga beauty queens natin na walang bayad ay si Albert Kurniawan, he’s an Indonesian.

“So hindi ko alam kung bakit sobrang ginagawang issue yun.

“Nang mag-ask din siya ng help na, 'Mama J, can you come? I-peptalk mo naman si Miss Indonesia.'

“'Okey, i-peptalk ko.'

“Alangan namang sabihin kong 'no' just because she’s Indonesian. I think, that’s not fair.

“That’s not fair for Filipinos or other nationalities to think or i-bash ka kung magti-train ng ibang nationalities.

“Kasi ako, kung magpapa-train ng mga Asians, why not?

“Kasi ako, gusto ko ng Asian powers, e. Hindi lang dapat tayo kundi Asian powers 'to.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa ginanap na book launching ng kanyang The Crown: Your Essential Guide to Becoming a Beauty Queen na ginanap sa Hello Kitty Cafe, Uptown Mall, BGC noong August 21 na dinaluhan din ng mga beauty queens and models na hawak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naisip ni Jonas na magsulat ng sarili niyang libro?

Ayon kay Jonas, “Actually ito, bina-blog ko dati dapat. So may blog ako.

“Sa third blog entry ko, ini-stop ko na siya.

“Kasi yun nga, sinabihan ako ni Direk Jeffrey Jeturian na part ng Aces and Queens na better kung i-book na lang siya.”

Ang librong isinulat niya ay magiging malaking inspirasyon daw at makakatulong sa mga nagnanais o nangangarap na maging beauty queen.

Aniya, “It’s all about training ng beauty queens at saka yung life story ng mga beauty queens simula nang mag-umpisa ako noong 2001.”

Hindi lang daw ang mga kuwento nina Kylie, Megan at Pia ang mababasa sa kanyang libro.

Kahit sila ang ang mga nagkamit ng pinaka-prestihiyosong titles sa mga international beauty pageants, nilinaw ni Jonas na inspiring din ang mga kuwento ng ibang beauty queen aspirants na nagdaan sa kanyang mga kamay.

“Lahat ng stories kasi, kailangang ipakita kung paano rin ako nag-evolve.

“From the time na wala akong office, wala akong clout, wala kahit na ano.

“So ipinakita namin kung paano nag-evolve hanggang sa ngayon na may Pia Wurtzbach na.

“Kaya yung book, inspirational din siya,” pagmamalaki niya.

COVER SHOOT. Napakahirap daw pagtagpu-tagpuin ng mga schedules ng tatlong beauty queens niya na kasama niya sa cover ng libro.

Biglaan lang din daw ang nangyaring cover shoot nila.

“Nakakatuwa yung nangyari sa cover shoot. Sakto si Pia, nandito siya.

“Noong time ng Miss Universe pa ‘yan.

“And then, she came here December yata yun, time ng charity ball namin.

“Biglaan na lang kaming nag-isip kung paano mag-shoot yung tatlo for the cover.

“Buti na lang sabay-sabay silang naging available,” pagpapasalamat niya.

PROUD OF HIS WARDS. Bilang para siyang nanay na nanganak ng tatlong reyna, paano niya ilalarawan sina Pia, Kylie at Megan?

Paglinaw niya, “Wala, pare-pareho sila, mukha silang stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Pia, very malambing. She’s more on the barkada type.

“Si Megan, hindi ko siya mina-manage so ang point namin ng communication ni Megan is about the friendship din.

“So she knows kung saan siya nanggaling and yung pinaghirapan namin with us.

“Si Kylie is a very independent woman, but of course, she always takes approval naman sa mga ginagawa niya sa buhay.”

BUCKET LIST. Dahil nakuha na niya ang tatlong pinakamalaking korona sa international beauty pageants, meron pa ba siyang gustong patunayan bilang beauty queen-maker?

“E, siyempre gusto ko naman sana in the future na tayo ang record-breaking in terms of winners around the world.

“Parang sa Miss Universe, pang-apat yata tayo.

“Sa Miss World, isa pa lang ang Miss World natin.

“Siyempre, gusto pa natin na dagdagan pa ng crown ang Philippines,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN