Solenn Heussaff plans to have baby at 34

IMAGE Nerisa Almo

Solenn Heussaff (shown with hubby Nico Bolzico) reveals why she plans to have a baby when she turns 34: "I just wanna work more, I just don't wanna rush things. Gusto kong i-enjoy din yung pagsasama namin ni Nico. Kasi since the wedding, we never had time together. So, I mean, thirty four is young now."


Inamin ni Solenn Heussaff na bibigyan pa niya ang kanyang sarili ng dalawa pang taon bago siya magka-baby.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa prescon na bago niyang karaoke-based game show na All-Star Videoke na ginanap nitong nakaraang Huwebes, August 24, sa studio 7 ng GMA-7.

Ang All-Star Videoke ay isang “singing-the-missing-lyrics” karaoke challenge na pawang mga celebrities ang kalahok. Kasama niya dito bilang co-host si Betong Sumaya.

Mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi sa Kapuso network.

Ang isa pang programang kinabibilangan ni Solenn ay ang kakasimula pa lang na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan naman ni Dingdong Dantes.

Pahayag ni Solenn sa kawalan niya ng interes na magka-baby sa ngayon, “I’m planning everything, so, I’m not planning for now.”

Madalang lang daw nilang pag-usapan ng asawa niyang si Nico Bolzico ang tungkol sa pagkakaroon nila nang anak.

Aniya, “Minsan lang.

“Siyempre, we got married, gusto namin magkaroon ng pamilya in the future, but we're both young and there’s so much going on for the two of us, so everything at its own time.”

TARGET DATE. Sa edad na 34 anyos daw niya gustong magka-anak.

Ngayon ay 32 anyos si Solenn.

Komento niya, “I just wanna work more, I just don’t wanna rush things.

“Gusto kong i-enjoy din yung pagsasama namin ni Nico.

“Kasi since the wedding, we never had time together.

“So, I mean, thirty four is young now.

“Kasi dati 23, dapat magkaroon ng baby.

“Ngayon naman kahit 40... hindi naman na ako aabot diyan.”

HEALTHY. Tiniyak ni Solenn na kahit umabot pa siya sa pinaplano niysng edad ng pagbubuntis ay hindi siya magkakaroon ng problema.

Pagmamalaki niya, “Kasi I’ve never been so healthy in my life now.

“Hindi ako umiinom, hindi ako kumakain ng fried.

“I mean super healthy ang lifestyle ko ngayon. Feeling ko better pa now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKAHOLIC. Kapag dumating na nga ang panayong magkaanak na siya, nakikita niya ang kanyang sarili bilang isang working mom.

Ani Solenn, “Gusto ko mag-work ulit.

“Super addicted ako sa trabaho.

“Kahit may isang free day ako, pinupuno ko ng marami akong ginagawa.

“Ayoko ng naka-tengga lang.”

Ayon din kay Solenn, hindi raw problema kay Nico ang pagiging workaholic niya.

Natatawa niyang hirit, “Wala siyang choice.

“Kasi alam niyang I’ll do the things I want to do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN