Raquel Pempengco on Jake Zyrus's MMK episode: "Sinungaling si Charice."

IMAGE Instagram / ABS-CBN

Inalmahan ni Raquel Pempengco (kaliwa) ang pagsasalarawan sa kanya sa life story ng anak na si Jake Zyrus sa Maalaala Mo Kaya. Pahayag ni Raquel, "Charice has to look for a guinea pig para mapagtakpan ang kamalian niya. Isisi niya sa iba para siya ang lalabas na matino at siya ang biktima."


Disgustado si Raquel Pempengco sa pagsasalarawan sa kanya sa episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na umere ngayong Sabado ng gabi, August 26.

Tinalakay sa episode ang buhay ng anak ni Raquel na si Charice Pempengco, na ngayon ay nagpapakilala na bilang Jake Zyrus.

Ang award-winning actress na si Dina Bonnevie ang gumanap bilang si Raquel.

Si Jake Zyrus naman ang gumanap sa kanyang sarili.

Ang gumanap bilang batang Charice ay si Mutya Orquia, at ang teenager at adult Charice ay ginampanan ni Sharlene San Pedro.

Base sa salaysay ni Jake Zyrus, isang mahigpit na ina si Raquel.

Ipinakita rito ang pananakit at pamimilit umano ni Raquel kay Charice para sumali sa mga singing contest.

Nakatikim din daw ng masasakit na salita si Charice mula sa ina.

Noong sumikat at nagkapangalan na si Charice, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, winawaldas lamang daw ng ina ang perang ibinibigay ng anak.

Dumating pa sa puntong hindi raw nababayaran ang bill nila sa kuryente at ang buwis ng mga ari-arian nila.

At higit sa lahat, hindi raw matanggap-tanggap ni Raquel ang pagiging tomboy ni Charice.

IT'S A LIE. Matapos ang MMK, hiningan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raquel sa pamamagitan ng text messaging.

Kaagad naman itong sumagot sa aming text.

Pag-amin ni Raquel, pinanood niya ang MMK episode na may pamagat na “Jumper,” na life story ng nakatampuhang anak.

Pahayag niya, "Napanood ko. Muntik na akong atakehin!"

Wala raw katotohanan ang pagkakalarawan sa kanya ni Jake, na tinatawag pa rin niyang Charice.

Diin ni Raquel, “Sinungaling si Charice.

"Basta puro kasinungalingan pinaggagawa niya, gawin man niya akong masama nang paulit-ulit, kung dun siya magiging masaya.

"Wala akong magagawa kundi hintayin ang kahihinatnan ng mga pinaggagawa niya.

"Ipag-pray ko na lang siya."

Sinabi rin ng ina ni Jake na wala siyang dapat ikahiya sa publiko dahil nagampanan niya ang kanyang pagiging isang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, taas-noo akong maglalakad sa kalsada nang buo ang tiwala ko na nagampanan ko ang aking pagiging ina nang maayos."

Pag tukoy sa sirkulong malapit kay Jake ngayon, sinabi nito, "Kung ano man ang nangyayari sa kanila ngayon, yun, e, kagustuhan na nila."

Ayon pa kay Raquel, "Charice has to look for a guinea pig para mapagtakpan ang kamalian niya.

"Isisi niya sa iba para siya ang lalabas na matino at siya ang biktima.

"People will not understand what kind of thinking meron siya... at what kind of friends meron siya.

"She needs a psychologist."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN