Zachary Levi takes on balut challenge during short PH trip

IMAGE Zachary Levi Instagram

Despite flying under the radar, American actor Zachary Levi took to social media to post his recent escapades during his short stay in the Philippines. Among his most memorable Pinoy adventures are eating balut with beer, having pizza and sushi, and having a videoke session with friends. In another post, the Tony-nominated actor also made mention of Lea Salonga.


Ilang araw ding nagbakasyon sa Pilipinas ang Hollywood actor at TV host na si Zachary Levi.

Nakilala si Zachary dahil sa pagbida niya sa U.S. series na Chuck na umere noong 2007 hanggang 2012.

Si Zachary din ang nagbigay ng talking at singing voice sa animated character na si Eugene "Flynne Rider" Fitzherbert sa Disney animated film na Tangled noong 2010.

Siya rin ang host ng trivia-type game show na Geeks Who Drink na umeere sa SyFy Channel.

PINOY ADVENTURES. Sa isang post ng aktor sa kanyang Instagram account noong nakaraang August 22, tumikim siya ng native balut na sinamahan pa niya ng beer habang siya ay nasa Cauayan, Isabela.

“Balut and beer. Like ya do,” caption pa niya.

Balut and beer. Like ya do.

A post shared by Zac Levi (@zacharylevi) on

Maraming followers ni Zachary sa Twitter ang nag-react negatively sa pagkain niya ng balut.

Heto ang naging reaction ng aktor: “Disappointing that you’re equating undeveloped duck embryos to living, breathing human children buuuut b’okay!”

Noong August 23 naman, nasa Hyatt City of Dreams si Levi at pinost niya sa Instagram ang pagkain niya ng pizza at sushi.

Heto ang kanyang caption: “Pizza AND sushi? I died. I'm dead. Heaven has been located. #theseareafewofmyfavoritethings”

Pizza AND sushi? I died. I'm dead. Heaven has been located. #theseareafewofmyfavoritethings

A post shared by Zac Levi (@zacharylevi) on

Nakipagkantahan din si Zachary sa ilang mga Pinoy sa isang videoke joint sa City of Dreams.

Heto ang magkakasunod na post niya sa Instagram:

“Singing for my dinner tonight. And possibly stripping. Wouldn't be the first time. ”

“It's all happening, y'all. It may be in another language, but it is allllllllllll happening.”

“The Philippines meets French Canadia. ??????????”

Singing for my dinner tonight. And possibly stripping. Wouldn't be the first time. ????

A post shared by Zac Levi (@zacharylevi) on

It's all happening, y'all. It may be in another language, but it is allllllllllll happening.

A post shared by Zac Levi (@zacharylevi) on

ON LEA SALONGA. Nang malaman ng ilang Pinoy fans niya na nandito siya sa bansa, tinanong nila si Zac kung bakit hindi niya pinaalam na magbabakasyon siya sa Pilipinas.

Ito ang sagot niya via Twitter:

“Because I’ve hiding from @MsLeaSalonga! I may or may not owe her one million pesos, and a McDo. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Three years ago, nag-tweet si Lea Salonga na nakita niya si Zac sa isang restaurant sa Toronto, Canada.

Heto ang tweet ni Lea: “Just spotted @ZacharyLevi in a Toronto restaurant. And yes he is THAT handsome.”

Sinagot ni Zac ang tweet ni Lea ng: "Whaaa? Lea, you stalker you. ;)"

Nag-reply naman si Lea kay Zac ng: "@ZacharyLevi Dammit! I would've busted out "And at last I've seen the light" had I been more brave. Or more drunk."

Huling nag-exchange tweets sina Lea at Zachary noong 2015 nang manood ang aktor ng Allegiance sa Broadway kunsaan isa si Lea sa mga bida.

Tweet ni Zac: "Great job @GeorgeTakei, @MsLeaSalonga et al. Thank you for the moving history lesson, and beautiful voices. #Gaman"

Reply ni Lea: "@ZacharyLevi @GeorgeTakei @allegiancebway WHAT??? You shoulda come backstage!!! Toronto all over again!!!
@allegiancebway”

Nakaalis na ng Pilipinas si Zachary noong August 24 pa.

Heto ang naging tweet niya: “I left Manila ya.”

At sinundan niya ito ng isa pang tweet na: “In the famous words of General Douglas MacArthur, “Ima catch ya on the flipside.” #PinoyLove


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN