Jake Zyrus leaves a note to old self Charice: "Ang buhay mo, ay hindi para sa akin..."

IMAGE Jake Zyrus on Instagram

Jake Zyrus took to Instagram to write a special note to his old self Charice, after his life story was aired in the August 26 episode of Maalaala Mo Kaya: "Pero ang buhay mo, ay hindi para sa akin, pero masaya ako at pinaranas mo sakin. Dahil dun ko narealize gaano ako kalakas, si Jake."


Isa-isang binigyan ng mensahe ni Jake Zyrus—na dating kilala bilang Charice Pempengco—ang mga taong malapit sa kanya sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Ilang minuto pagkatapos umere ng kanyang Maalaala Mo Kaya episode ngayong Sabado ng gabi, August 26, nagpasalamat ang singer sa lahat ng "nakaintindi at sa mga na-inspire."


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus MMK episode depicts
Jake Zyrus MMK episode depicts "abuse" suffered from mom

Ayon sa kanyang post (na inilalathala rito nang walang pagbabago): "Maiintindihan ko din ang mga taong hindi nakakaintindi dahil hindi perpekto ang buhay natin.

"Alam ko ang iniisip ng ibang tao.

"Hindi ko ito ginawa upang manira o manakit ng tao.

"Ginawa ko ito dahil gusto kong magsabi ng totoo.

"Sa ilang taon na sinubukan kong linisin lagi ang pangalan, pagkatao ko, laging sa huli, ako ang talo.

"Ngayong gabi na ito, pinipili ko ang sarili ko. Ang totoo."

Hiniling din ng international star: "Wag po kayong magtanim ng sama ng loob sa aking pamilya. Hindi ito ang mensahe na pinapadala ko po."

Bagkus, aniya, "Sana ay ang makuha po ninyo ay ang maintindihan ang lahat, mahalin ang kapwa, irespeto at tanggapin natin sila kahit hindi natin sila naiintindihan."

NOTE TO OLD SELF. Hindi rin pinalagpas ni Jake ang pagkakataon para mag-iwan ng mensahe para sa kanyang dating sarili.

Sabi ni Jake kay Charice: "You will always be here in my heart.

"Grabe ka. Pinaiyak, pinatawa mo ako.

"Napaka-interesting ng buhay mo. Napakaganda.

"Pero ang buhay mo, ay hindi para sa akin, pero masaya ako at pinaranas mo sakin.

"Dahil dun ko narealize kung gaano ako kalakas, si Jake.

"Salamat Charice.

"Wait for me at the top of the Pyramid!"

Samantala, para naman sa kanyang bagong pagkatao, lahad niya, "You are the man.

"Keep going.

"Mas maraming nagmamahal at laging magwawagi ang pagmamahal."

Buong pasasalamat din ni Jake sa lahat ng bumuo at nagbigay ng suporta sa kanyang episode na pinamagatang "Jumper."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE CONQUERS ALL. Nag-iwan naman si Jake ng espesyal na mensahe para sa inang si Raquel Pempengco.

Ayon sa pagsasadula, nananakit at namimilit si Raquel para mapasali si Charice sa mga singing contests na pagkakakitaan at madalas pang magbitiw sa kanya ng masasakit na salita.

Hindi rin daw kailanman tinanggap ni Raquel ang pagiging tomboy ng anak.

Sabi ni Jake, "Sa aking ina, totoo po ito, walang halong showbiz o kung ano man, alam mo po na mahal na mahal na mahal kita.

"Pasensya na po kung hindi ko maibigay ang mga pangangailangan na nakasanayan po dati.

"Alam ko po ang lahat ng ginawa mo para sa akin, alam ko rin po na kahit anong mangyari, pamilya tayo.

"Someday, magiging okay po ang lahat, at kung dumating man po sa puntong di nyo pa rin po maintindihan, sana po ay maramdaman nyo po na mahal po namin kayo ni Coy, at yun ang pinakaimportante sa lahat."

Dagdag niya, "Love conquers all.

"This time po, ako naman po ang magsasabi ng totoo. Mahal ko kayo."

"IT'S A LIE." Matapos ding ipalabas ang nasabing episode, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng komento ang ina ni Charice sa pamamagitan ng text message.

Pinanood nga raw niya ang life story ng nakatampuhang anak, at pinabubulaanan niya ang mga paratang at ang maling paglalarawan sa kanya.

Diin ni Raquel, "Muntik na akong atakehin!"

“Sinungaling si Charice.

"Basta puro kasinungalingan pinaggagawa niya, gawin man niya akong masama nang paulit-ulit, kung dun siya magiging masaya.

"Wala akong magagawa kundi hintayin ang kahihinatnan ng mga pinaggagawa niya.

"Ipag-pray ko na lang siya."

"Basta ako, taas-noo akong maglalakad sa kalsada nang buo ang tiwala ko na nagampanan ko ang aking pagiging ina nang maayos."


Stories We Are Tracking

Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN