Betong Sumaya reveals how he was able to pay off his debts

IMAGE Noel Orsal

Betong Sumaya is thankful for finally being able to reap the fruits of his labors and live a more comfortable life: "Nakabili na po ako ng condo, nakabili na rin ng sasakyan para sa pamilya. Tapos, nabayaran na po yung mga utang. Yung credit card talaga ang pinakamatindi. Hindi ko naman tinaguan, wala lang talaga akong pambayad."


Dahil sa mga kinikita ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya, nagawa niyang maiahong unti-unti ang kanyang buhay.

Masaya niyang ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakabili na siya ng ilang ari-arian at nabayaran na niya ang kanyang mga utang.

Ayon kay Betong, “Nakabili na po ako ng condo, nakabili na rin ng sasakyan para sa pamilya.

“Tapos, nabayaran na po yung mga utang.

“Yung credit card talaga ang pinakamatindi.

“Hindi ko naman tinaguan, wala lang talaga akong pambayad.

“Noong nanalo ng Survivor ibinayad ko talaga.

“Kasi hindi pala puwedeng mag-housing loan, nakikita pala pag meron kang utang.”

Si Betong ang itinanghal na grand winner ng Survivor Philippines noong 2011, at pagkatapos nito ay naging artista na siya ng Kapuso network.

Pero bago siya nagwagi, naging talent siya ng ilang mga programa sa News And Public Affairs division ng GMA Network.

Patuloy niya, “So, binayaran ko muna yung credit card.

“At least po, na-stroke yung kapatid ko, yung sumunod po sa akin.

“At least, meron kang nabubunot.”

Ang pagsusumikap ng komedyante sa buhay ang dahilan kung bakit wala raw siyang love life ngayon.

Sabi niya, “Wala muna. Parang darating naman po yun.

“Eto kasi, mga ganitong pagkakataon, hindi naman ito palaging nandito, na mabibigyan ng chance.

“So, parang ito na muna po.”

Nakapanayam ng PEP si Betong sa grand press launch ng bago niyang show, ang All-Star Videoke, na ginanap nitong nakaraang Huwebes, August 25, sa Studio 7 ng GMA Network.

Co-host niya rito si Solenn Heussaff.

RIGHTFUL HEIR TO THRONE? Sa paniniwala at komento ng iba, napansin si Betong ng network nang mawala ang dating Kapuso artists na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs.

Kung nanatili pa ring Kapuso ang dalawang singer-hosts ay baka raw hindi naibigay kay Betong ang All-Star Videoke.

Nag-react kaagad si Betong tungkol dito.

Aniya, “Ay, naku! Grabe naman!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang isipin na ganun.

“Siguro po may nakita silang something na puwedeng ibigay.

“Ako naman po ay thankful.

“Minsan hindi na po ako makapaniwala na parang marami ring puwedeng ibigay sa kanila.

“Pero thankful po ako na naniwala sila sa kakayahan ko.”

Maliban sa All-Star Videoke, regular ding napapanood si Betong sa weekly gag show na Bubble Gang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN