Raquel Pempengco insists she is innocent of charges made by Jake Cyrus in MMK

IMAGE Instagram

Raquel Pempengco's latest message on Facebook about Jake Zyrus's life story on Maalaala Mo Kaya: "Taas noo pa rin akong maglalakad...dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa inyo, at God knows ang buong katotohanan ay mangingibabaw pa rin sa susunod na panahon."


Naninindigan si Raquel Pempengco na puro kasinungalingan ang inilahad ng anak niyang si Charice Pempengco—na nagpapakilala na ngayon bilang Jake Zyrus—sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na umere nitong Sabado ng gabi, Agosto 26.

Maliban sa eksklusibong pahayag na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nag-post din ng mensahe si Raquel sa kanyang Facebook account.

Base sa paglalahad ni Jake Zyrus ng sariling buhay sa MMK, naging masyadong mahigpit umanong ina si Raquel sa kanya.

Ipinakita sa episode na pinamagatang "Jumper" ang pagmamaltrato at pananakit umano ni Raquel sa anak upang sumali sa mga singing contest at ang patuloy na masamang pagtrato nito sa anak maging noong sikat na si Charice.

Ngunit sa kanyang Facebook post ngayong Linggo ng umaga, Agosto 27, iginiit ni Raquel na wala siyang ginawang masama kay Charice aka Jake Zyrus.

Pahayag niya, “Taas noo pa rin akong maglalakad...dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa inyo, at God knows ang buong katotohanan ay mangingibabaw pa rin sa susunod na panahon.”

Muli ring sinabi ni Raquel na nagsisinungaling ang kanyang panganay na anak.

Mensahe niya kay Jake Zyrus: “Ikaw ang sumisira sa pamilya dahil sa kasinungalingan mo.

“Marami kang taong ginamit, siniraan pra masunod mo ang lahat mong pagkakamali.

“Justice will prevail at bahala na sau si Lord kung meron ka pang natitirang takot ngayon pa lang pagsisihan mo na...”

Sa sumunod niyang mensahe sa Facebook, nag-post si Raquel ng larawan ni Charice noong bata pa ito, kasama ang nakababatang kapatid nitong si Carl Pempengco.

Sabi ng ina ng international singer, “Ganito kau kabata nung nagkahiwalay kame ng daddy nio. Anong malay mo?

“Pinipilit mong iangat ang sarili mo kahit puro kasinungalingan ang gawin mo?

“Hindi ka makakarating sa paroroonan mo dahil di ka marunong tumingin kung ano ang pinanggalingan mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Raquel, “Kasama ka pa rin sa pananalangin at pag darasal ko.

“Maraming makakapagpatunay na dati mong mga kaibigan kung sino ako sa inyong magkapatid. Marami ka ng taong ginamit.”

Ang ama ni Charice na si Ricky Pempengco ay namatay nang saksakin ito ng isang lalaki sa San Pedro, Laguna, noong October 30, 2011.

Tungkol naman sa napanood niyang life story ng anak sa Maalaala Mo Kaya, sabi ni Raquel: “Sobra ang tinulo ng luha ko habang nanood ako muntik pa kong atakihin. How can i defend myself?

“Gusto kong magalit sumumpa pero di ko magawa kasi nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa inyong magkapatid...

“pag sisihan mo ng malaki ang ginawa mong pagsisinungaling na yan...”

RAQUEL ANSWERS. Ilang Facebook followers na nagkomento sa kanyang posts ang sinagot ni Raquel.

Isang Ana Loraine ang nagkomento ng: “Anak nyo parin po yun kahit papano ???? ???? god bless po. Sorry”

Sagot dito ni Raquel: “Naisip din ba nya na ina pa rin nya ako kahit papano? Haha

“Naisip nio ba ang kalapastanganang ginagawa sa akin? Kahit anong gawin nyang pag angat sa sarili nya di sya magtatagumpay hanggat may nasasagasaan sya. Lalo pat mga kadugo pa nya”

Komento naman ng isang Angelita Dela Cruz: “e alam nman ata ng mom nya na gnyan ang ipalalabas kaya no say na lng sya dhil malaki ang ibinayad ng network ky charice or jake zairuz, i dont know, but all i can say, accept for happen, and its the truth na gnyan sya in reality, tke cre gid bless, only god knows. have a wonderful day. Thnks”

Maikling buwelta ng ina ni Jake Zyrus: “Anong alam mo para magsalita ka ng ganyan”

Samantala, nanindigan naman si Jake Zyrus na ang inilahad niya sa kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya ay ang katotohanan.


Stories We Are Tracking

Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus MMK episode depicts
Jake Zyrus MMK episode depicts "abuse" suffered from mom


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN