Former Miss PH Earth Imelda Schweighart secretly gives birth to baby boy

IMAGE Instagram

Former Miss Philippines Earth Imelda Schweighart secretly gave birth to a baby boy, Sun Noach, last July 21 via natural water birth. She only announced it publicly via her Instagram page last August 24. The controversial beauty queen remains mum about the identity of the baby's father.


Inilihim ng former Miss Philippines Earth na si Imelda Schweighart ang kanyang pagbubuntis at noong nakaraang July 21 ay ipinanganak niya ang kanyang baby boy na pinangalanan niyang Sun Noach.

Sa magkasunod na posts ni Imelda sa Instagram noong nakaraang August 24, ipinaalam na niya sa kanyang mga followers na one-month old na ang kanyang baby boy.

Hello earth, hello world ???? Im here!! ??????#newborn #veganbaby #miraclebaby

A post shared by Imelda ???????????????? (@imelda_schweighart) on

Kinuwento rin ni Imelda na hindi siya sa ospital nanganak kundi sa kanyang bahay, sa pamamagitan ng natural water birth.

Pitong oras daw siyang nag-labor bago niya naipanganak ang kanyang baby sa pamamagitan ng Lotus Birthing procedure.

Hindi niya binanggit kung sino ang ama ng kanyang baby.

Matatandaang naging controversial si Imelda dahil sa mga pinakawalan niyang mga comments sa media noong sumali siya sa 2016 Miss Earth na ginawa rito sa Pilipinas.

Nagkaroon siya na issue sa isang designer ng evening gown at sinabi pa niya na maraming retoke sa mukha at katawan ang nanalong Miss Earth na si Miss Ecuador Katherin Espin.

Na-bash din siya ng netizens dahil sa mga insensitive comments niya at ito ang nag-udyok sa kanya na mag-resign bilang Miss Philippines Earth.

Dahil dito, nag-decide si Imelda na bumalik na lang sa Puerto Princesa para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Bago siya nanalo bilang Miss Philippines Earth, si Imelda ay naunang kinoronahan bilang Miss Puerto Princesa, at sumali sa Bb. Pilipinas 2013 kunsaan umabot siya sa Top 15.

Bago siya sumali sa mga beauty pageants, naging talent siya ng Viva Artist Agency gamit ang screen name niyang Imee Hart.

Lumabas ito sa teen series ng TV5 na Bagets: Just Got Lucky at naging isa sa hosts ni Willie Revillame sa Willing Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN