Dimples Romana happy for good friend Angel Locsin's relationship with Neil Arce

IMAGE @chinitohosikusieho on Instagram

Dimples Romana is happy for good friend Angel Locsin's current relationship with Neil Arce: "I'm so happy for her. Neil is a great guy. He's super nice to me, to my family, super chill si Neil. I cannot be anymore happy than I am, whether sila or hindi sila, kung anuman ang mayroon sila."


Masaya ang Kapamilya actress na si Dimples Romana para sa matalik na kaibigang si Angel Locsin dahil nakahanap na raw ito ng bagong pag-ibig sa katauhan ng film producer na si Neil Arce.

Pahayag ni Dimples, “Neil is a great guy. He’s super nice to me, to my family, super chill si Neil.

“I cannot be anymore happy than I am, whether sila or hindi sila, kung anuman ang mayroon sila.”

Bilang best friend ni Angel, si Dimples ang isa sa pinupuntahan ng una sa tuwing nabu-brokenhearted ito.

Anong payo ba ang ibinibigay niya kay Angel sa tuwing nasasaktan ito sa pag-ibig?

Natatawa niyang saad, “Aba, siyempre nauuna pa akong ma-brokenheart.

“Gusto mong malaman kung ano talaga ang sinasabi ko pag nabu-brokenhearted siya?

“'Girl, ang ganda mo! Angel Locsin ka, baka nakakalimutan mo!'

“Di ko kasi masabi in a way na matalinhaga kasi pag pumupunta sa akin ‘yan, tapos iiyak siya, sinasabi ko, 'Girl, ang ganda mo, Angel Locsin ka na! Nakalimutan mo yun!'"

Patuloy ni Dimples, “Alam mo, lahat naman, mapa-babae o mapa-lalaki, pag nabu-brokenhearted, umiiyak naman ‘yan.

“Pero lahat naman ng pag-iyak ay natatapos. E, di tapos na, tapos na tapos na.”

Para naman kay Dimples, ang hiling niya sa kaibigan ay laging maging masaya ito sa buhay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dimples sa presscon ng pelikulang Persons of Interest, na ginanap sa Max’s Scout Tuazon, Quezon City, noong August 21.

IS ANGEL READY TO SETTLE DOWN? Sa tingin ba niya ay handa na si Angel na bumuo ng sariling pamilya?

Sagot ni Dimples, “Alam mo, ang wish ko, ke dumating man yung right guy o hindi, maging masaya siya palagi.

“At this point kasi, she’s very happy. I love Neil, si Neil kasi kaibigan niya matagal na.

“Ready to have family?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masagot 'yan, pero totoo yun, pumupunta 'yan sa bahay, tapos sasabihin niya sa akin, 'Dimps, mag-date muna kayo ni Boyet [Ahmee, Dimples' husband].'

“Naiiwan siya sa bata, so may tiwala ako sa kanya.

“Alam mo, si Callie [Dimples' daughter], di naman siya ninang nun, pero Ninang ang tawag sa kanya kasi maalaga siya kay Cal, kasi dalagita na.

“Bata pa lang, inaalagaan na niya yun."

Biro pa ni Dimples, “Lahat nga ng bawal, siya nagbibigay kay Cal.

“Bawal makeup, bibigyan niya ng makeup. Napakakunsintidor niyan!

"Hindi, ang kasiyahan naman ng buhay ngayon di nababase kung may pamilya ka o wala.

“If she wants to take her time, go ahead.

“Ngayon kasi, uso na yung nag-aasawa ng kuwarenta, singkuwenta.”

Parehong 32 years old sina Dimples at Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN