Roxanne Barcelo says good friend Marian Rivera has tempered jealous streak: "Hindi na siya affected."

IMAGE Noel Orsal

Roxanne Barcelo says good friend Marian Rivera has matured and is not as affected by jealousy issues anymore involving husband Dingdong Dantes's leading ladies: "Pero actually, hindi na siya apektado. Noong bagets siguro kami. Noong bago-bago sila, siyempre affected siya... Pero ngayon may anak na siya, may pamilya na siya. Yung mga ganyan, in-accept na niya 'yan bago pa sila kinasal."


Matagal na ring magkaibigan sina Roxanne Barcelo at Marian Rivera.

Isa si Roxanne sa mga stars na nagpapatunay kung gaano kabuting kaibigan ang Kapuso Primetime Queen.

At inilalagay ni Roxanne ang nararamdaman niya sa kanyang mga Instagram posts.

Pero meron pa ring mga taong iba ang impression kay Marian. Masyado raw selosa ito pagdating sa kanyang mister, si Dingdong Dantes.

Sabi naman ni Roxanne, “Ako, hindi kasi ako mahilig makialam at never akong makikialam sa ganyan.

“Kahit ako, sa relationship ko, it’s between me and my partner.

“Kung paano kayo na kayong dalawa lang, external factors pa rin yun.

“At the end of the day, labas kami sa lahat ng ‘yan."

Ngunit bilang kaibigan, kaya raw sabihin ni Roxanne na iba ang pinanggagalingan ni Marian.

“Magaling mag-protect ng relasyon si Marian," paliwanag ni Roxanne tungkol sa kaibigan.

“Magaling siyang mag-protekta ng mga taong mahal niya.

"At ako, I can say na kaya rin kami magkasundo at nasabi ko yun sa isang post ko lately, kasi napag-isipan ko rin—may nagtanong din sa akin niyan.

“She protects.

"Maaaring sabihin sa ibang salita, pero para sa isang babae, siyempre guwapo ang partner mo, nag-aartista pa—relate much ako diyan.

“Alam ko yung feeling.

“Kaya lang, hangga’t maaari, iba kasi ang kasikatan ni bakla. She’s very famous.

“That’s the truth. Isa siya sa pinaka-famous na artist ng bansa natin.

“She can be na parang Vilma Santos noong araw, siya yun.”

MARIAN MORE SECURE NOW. Aware nga raw si Roxanne na iniuugnay na naman ang pangalan ni Marian sa selos isyu sa mga nagiging leading lady ni Dingdong.

Pero ayon kay Roxanne, nakikita niyang kumpara sa rati ay hindi na naapektuhan si Marian ngayon.

Paliwanag niya, “Actually, na-open—parang nababasa ko lang.

“Pero, actually, hindi na siya apektado. Noong bagets siguro kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong bago-bago sila, siyempre affected siya.

“Siguro noong bagets kami, maaaring ma-affect siya nun.

“Pero ngayon may anak na siya, may pamilya na siya.

“Yung mga ganyan, in-accept na niya ‘yan bago pa sila 'kinasal.

“Kasama na ‘yan sa trabaho, and aware na siya na maaaring maging ganyan hangga’t nagtatrabaho silang dalawa sa showbiz, so hindi na siya affected.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa presscon ng I Found My Heart in Sta. Fe, na ginanap sa Victorino’s Restaurant, Quezon City noong Agosto 24.

RELATIONSHIP WITH WILL. Ang I Found My Heart in Sta. Fe ay pelikulang pinagbibidahan ni Roxanne at ng boyfriend nitong si Will Devaughn.

Sa question-and-answer portion ng press conference ng pelikula, naging emosyunal si Will sa pagpapahayag nito ng mga katangiang nagustuhan at minahal niya kay Roxanne.

Kahit “nagpapaka-bakla” si Roxanne, hindi nito napigilang maluha sa mga narinig sa boyfriend.

Bakit nga ba naging emosyunal sila pareho?

Lahad ni Roxanne, “Yun nga siguro, kasi very private kami sa emotion namin sa isa’t isa.

“Hindi ko inaasahan na masabi niya yun sa harapan ng mga tao.

“Ikaw, bilang babae, ikaw ang nagdadala sa relasyon.

“Kahit na anong sabihin ng ibang tao, ikaw at ikaw, e. Babae ka.

“So it’s up to you kung paano mo dadalhin ang relationship.

“In our case, best friends kasi kami.

“Yung samahan namin ni Will, very honest kami sa isa’t isa.”

Sabi pa ni Roxanne, “Yung paggawa namin ngayon ng pelikula, stage siya.

“Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari, pero ang alam ko lang, our relationship is hard work every day.”

ALL OR NOTHING AT ALL. Apat na taon na ang relasyon nila Roxanne at Will.

Hindi pa rin masabi nang diretso ni Roxanne na sila na talaga ang magkakatuluyan dahil hindi pa naman daw niya alam ang mga posibleng mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano nga kung hindi pala sila ang magkakatuluyan?

Si Will kaya ang lalaking posibleng pinakaiiyakan niya?

Sagot ng dalaga, “Hypothetically, kung hindi pala kami? Basta ako, one hundred percent kung magbigay.

“Kapag nag-e-end ang relationship sa part ko, wala akong pagsisisi sa puso ko, kasi alam ko na naibigay ko nang lahat.

“Kapag sinabing ex, hindi na binabalikan.

“Nanggagaling ako hindi sa bitter, kung hindi nagawa ko nang lahat.

“Hindi siya natutuloy, so I also believe na kapag meant to be, yung one hundred percent na totoong ikaw, ia-accept niya nang buo.”

GOOD FIRST IMPRESSION ON WILL'S PARENTS. Nakilala na raw ni Roxanne ang nanay at stepdad ni Will na nasa ibang bansa.

Ang biological dad daw ni Will ay hindi na nakakausap ng binata.

Ayon kay Roxanne, malapit na raw siya sa mommy ni Will.

Saad niya, “Malapit ang mommy niya sa akin.

“Kasi, noong nandoon ako, ipinakita ko talaga kung paano ang Filipina.

“German sila, e. So 'pinagluto ko siya ng lahat ng alam ko na Filipino.

“At saka nagluto ako ng breakfast, lunch, and dinner.

“Hindi ako ma-bake, so sa hot kitchen talaga ko.

“Pero nabaliw ang nanay niya nang magluto ako ng Belgian waffle at may ginawa akong syrup na fresh berries.

“Umiyak yung nanay niya, kasi sabi niya naalala raw niya ang luto ng lola niya, eksaktong-eksakto raw sa luto ng lola niya. Naloka siya.”

Dugtong pa ni Roxanne, “At malinis ang nanay niya sa bahay kaya super linis din ako. Para hindi naman mapahiya.”

GIVING HER ALL. Nabanggit ni Roxanne na kapag nagmahal siya, ibinibigay niya ang lahat, "one hundred percent."

Katulad din ba siya ni Marian, na kapag nag-asawa ay magiging protective sa relasyong meron siya?

“Hindi mo masasabi e,” saad ni Roxanne.

“Ako nga kasi, one hundred percent kung magmahal.

“Sinasabi nila, magtira ka ng one percent man lang. Ako kasi, hindi ako naniniwala sa ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All or nothing. Kahit kay Will. Ganyan din ako sa trabaho, all or nothing.

“Dati kasi, may mga iba pa kong ganap, may school.

“At na-realize ko at the end na kapag hindi ka nagbigay nang todo, yun lang din ang makukuha mo, half.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, kung sino man ang magiging future husband ko, kung sino man siya, wala akong ibibigay except my one hundred percent.”

JEALOUSY ISSUES. Pareho daw silang all-out ni Will sa relasyon nilang dalawa.

May selosan pa rin ba sa pagitan nila?

“Feeling ko, hindi naman mawawala yun,” saad niya.

Sino ang mas seloso o selosa sa kanila?

Ani Roxanne, “Hindi siya yung seloso na verbal. Hindi niya sinasabi.

“Pero sa tingin pa lang. Ganun din ako, tingin lang, alam na.”

Wala raw siyang pinagselosan pang artista kay Will.

Si Will, meron sa kanya?

“Hindi ko alam... charing!” natawang sabi niya.

Sa panghapong serye niya sa ABS-CBN, ang Wild Flower, may mga intimate scenes siya kay RK Bagatsing.

Hindi ba ito nagiging isyu kay Will?

“Noong umpisa,” pag-amin ni Roxanne.

“Kasi hindi ako nakikipag-kissing scene.

“Ang first kissing scene ko sa showbiz career ko, si Will, na hindi daya ha?

“Second kissing scene ko, si Ronnie Liang sa Sari-Sari channel.

“Nagselos siya nang very light, kasi nga siguro, hindi ako nakikipag-kissing scene.

“So siguro dahil dun, kapag may kissing scene...

“Pero ang good thing about it, since yun naman ang trabaho niya, hindi naman yung seryosong-seryoso [na selos].”

Kay RK, nagselos din?

“Inasar niya lang ako, 'Yes, may kissing scene!'

“Kasi napapanood niya ang mga pa-teaser ng Wild Flower.

“Hanggang sa tinanong ko siya kung, 'Nagseselos ka ba?' Sabi niya, 'Hindi.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN