Bianca Gonzalez answers accusation she is anti-Duterte because of her social-media posts

IMAGE Instagram

Bianca Gonzalez refutes accusation she is anti-Duterte because of her social media posts; says, "I was EXTREMELY vocal about SAF44. Maguindanao massacre. Kidapawan farmers. And more..."


Dinepensahan ni Bianca Gonzalez ang sarili matapos kuwestyunin ng isang netizen ang kanyang pananaw sa pulitika at akusahang siya raw ay anti-Duterte.

Ito ay bunsod ng pagiging vocal ni Bianca, kabilang ang ilan pang mga artista at personalidad, kaugnay ng madugong kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Isa ang TV personality sa mga kumondena sa pagkakapaslang kay Kian Loyd delos Santos, 17-anyos na estudyante, na diumano'y napagbintangan lamang na may kinalaman sa droga.


Stories We Are Tracking

Enchong, Pokwang, Bianca condemn drug war killings
Enchong, Pokwang, Bianca condemn drug war killings

Noong August 25, isang netizen ang nagtanong kay Bianca kung bakit ito nananahimik sa isyu ng mga batang nari-rape ng drug addicts.

Pati na raw sa isyu ng Mamasapano clash, kung saan 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nasawi sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa Maguindanao noong 2015.

Paglilinaw naman ni Bianca, naging vocal din siya nang mamatay ang SAF 44 at iba pang mga isyu na may kinalaman sa pulitika.

“I was EXTREMELY vocal about SAF44. Maguindanao massacre. Kidapawan farmers. And more,” bahagi ng tweet ni Bianca.

Mensahe pa niya, maniguro muna bago magbintang at maging maingat sa pagbabato ng mga akusasyon.


Sinang-ayunan din ng TV host ang obserbasyon ng isang netizen na may ibang netizens na “blinded” pagdating sa political affiliations.

“And its sad that any observation posted, they equate to being anti-PRRD. Kahit hindi naman,” tweet ni Bianca.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN