Raquel Pempengco mulls filing libel complaints against Jake Zyrus, MMK

IMAGE Courtesy: Raqz Pempengco on Facebook / Jake Zyrus on Instagram

Ayon kay Raquel Pempengco (kaliwa) , nasira ang kanyang kredibilidad bilang tao at bilang ina dahil sa life story ng anak na si Jake Zyrus sa Maalaala Mo Kaya. Pinayuhan daw siyang maghain ng reklamong libelo laban sa anak at sa programa ni Charo Santos-Concio.


Planong maghain ni Raquel Pempengco ng reklamong libel laban sa anak na si Jake Zyrus at sa mga nasa likod ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Ito ay dahil sa kasiraang idinulot umano sa kanyang pagkatao ng life story ni Jake—na unang nakilala bilang Charice Pempengco—na itinampok sa “Jumper” episode ng MMK noong Sabado, Agosto 26.

Base sa pagsasalaysay ni Jake, ipinakita sa palabas ang pananakit at pamimilit umano ni Raquel sa anak noong isinasali siya sa mga singing contest at maging noong panahong sikat na ito.

Maliban rito ay pinagsasalitaan pa umano ng masasakit na salita ni Raquel ang singer.

Tinalakay rin sa MMK ang pagwawaldas umano ni Raquel ng mga perang ipinapadala ni Charice noong aktibo pa siya sa international music scene.

Ang award-winning actress na si Dina Bonnevie ang gumanap bilang Raquel sa MMK episode na ito.

Pero lahat ng ito ay pinabulaanan ni Raquel at tahasang tinawag na "sinungaling" ang anak.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice

Ayon sa mensaheng natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes ng hapon, Agosto 28, sinabi ni Raquel na may nakausap na siyang abugado.

Pinayuhan daw siya nitong maaari niyang ireklamo si Jake at ang programang MMK dahil sa hindi pagkonsulta sa kanya bago umere ang episode.

Saad ni Raquel patukol sa MMK, “Iparating mo na lang sana na pinag-iisipan kong magsampa ng kaso [ng libelo] dahil sa pagpapalabas ng istorya ng buhay ko na hindi nila ako kinunsulta.

“Kasama na rin sa demanda ang anak ko na si CHARMAINE CLARICE RELUCIO PEMPENGCO.”

Bakit kasama ang anak sa ihahain niyang reklamo?

Sagot ni Raquel, “Si Charice daw ang naglahad at ang MMK ang naglabas.”

Ihahain daw niya ang reklamong libel kapag nakaluwas siya ng Maynila, mula sa Laguna, ngayong linggong ito.

Ayon pa sa ina ni Jake, hindi lang siya nasira sa paningin ng publiko sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Ito ay dahil kinukunsidera nang international artist si Jake Zyrus o Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Raquel, “Sobrang nasira ang kredibilidad ko bilang tao at bilang ina.

“Buong mundo ang nakaalam, hindi lang buong Pilipinas.

“Kulang na lang sana ay pinatay na ako ni Charice.”

Dagdag pa niya, “Maraming makakapagpatunay na malayo sa katotohanan ang istoryang inilahad at inilabas.”

Ngunit taliwas sa pahayag ni Raquel, ang kanyang sariling ina na si Thess Pineda ay nagsabing totoo ang mga inilahad ng kanyang apo na si Jake Zyrus sa MMK.

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang nais ihayag ni Jake Zyrus at ng pamunuan ng MMK kaugnay ng pahayag na ito ni Raquel.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus MMK episode depicts
Jake Zyrus MMK episode depicts "abuse" suffered from mom
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN