Janelle 'Kimchi' Tee reveals why she suddenly disappeared from Wowowin; says "Wala kaming masamang tinapay"

IMAGE Glen Sibonga

"Sobra akong grateful sa kanya," says Janelle 'Kimchi' Tee about Willie Revillame. "Kumbaga, binigyan niya ako ng biggest break."


Nagpaliwanag sa harap ng kanyang fans at ilang press si Janelle Tee, ang dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, kung bakit siya biglang nawala sa show.

Nakilala si Janelle bilang si Kimchi sa Wowowin dahil ito ang ibinigay na palayaw ni Willie sa kaniya sa show.

Nagtrabaho siya rito mula September 2015 hanggang May 2017.

Kuwento ni Janelle: “Actually, before pa ma-suspend si [Super] Tekla, ako po yung nauna.

“Ang nangyari noon was nagre-rehearse kami para sa mga bagong segments, tapos kumakain na kami ng dinner, tapos dumating si Wil.

“Sama-sama kaming mga co-host niya, tapos tinanong niya, ‘Sa akin ba itong ulam na ito?’

“May ulam kasi sa harap niya, sinigang na baboy yun.

“E, siyempre marami kami sa table, so I was assuming na kahit sino puwedeng sumagot.

“Walang sumagot sa kanya, so nagtanong siya ulit, ‘Hoy, sa akin ba ito?’

“Dahil walang gustong sumagot, ako na yung sumagot, sabi ko, ‘Sa iyo.’

“Tapos siguro nung time na yun, baka stressed na si Wil, pagod, parang ang dating sa kanya, maldita raw ako.

“Sabi niya, ‘Bakit ang taray niyo rito?’

“Tapos iyon, nagalit siya, nagalit siya na mataray daw yung pagkasagot ko.

“And then, iyon, hindi na niya ako pinag-report sa work.

“Kumbaga sinabihan niya yung EP [executive producer] namin na, 'Sabihan si Kimchi na huwag na muna siyang pumasok.'

“Iyon ang nangyari.”

Dinamdam daw ni Janelle ang nangyaring ito.

“So, umiyak talaga ako.

“Parang sabi ko, ‘Bakit?’

“Parang hindi ko po maintindihan.

“Parang sa halos dalawang taon ko sa show, hindi naman ako nagbigay ng sakit ng ulo.

“Hindi ko lang ine-expect na hindi na ako papapasukin.

“Kasi, siyempre, halos dalawang taon din akong nag-work sa Wowowin, so talagang napamahal na sa akin yung show at mga tao sa show,” pahayag niya.

Isang linggo raw umiyak si Janelle dahil sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, three hundred sixty degrees yung buhay ko.

"Kasi, siyempre, inisip ko na nung sinuspend ako, baka hindi na talaga ako pabalikin sa show."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janelle sa thanksgiving at get-together party niya para sa kanyang fans, na ginanap noong Linggo, August 27, sa 103 Green Meadows, Quezon City.

Dumalo sa party ang mga miyembro ng Kimchirifics, Kimchinatics, at iba pang fan groups niya.

Nagpapasalamat si Janelle sa kanyang fans dahil sa patuloy nilang pagsuporta kahit wala na siya sa Wowowin.

Nangako naman ang kanyang fans na susundan siya ng mga ito saan mang show at network siya mapunta.

RECONCILIATION. May 2017 nang mawala si Janelle sa Wowowin. Nag-reach out naman daw siya kay Willie.

Kuwento niya, “Oo, nagpadala pa ako ng prutas.

“Nagte-text ako sa kanya na, ‘I’m so sorry,’ ganyan.

“Pero never po siyang nag-reply.

“Hindi ko po siya pinuntahan personally kasi, baka pag nakita niya ako, baka lalo pa siyang magalit.

“Kasi nung time na nagalit siya, sabi niya, ‘Pauwiin niyo na sila. Huwag na silang magpaalam. Huwag na muna silang magpakita.’"

Nirespeto raw ni Janelle ang nais ni Willie kaya hindi na niya pinilit pang kausapin nang personal ang host.

Pero noong June 2017 ay nagkaayos na sila ni Willie.

Patuloy na lahad ni Janelle, “Naging okay na naman kami ni Wil noong Father’s Day.

“Nag-text kasi sa akin si Donita [Nose] na pinapapunta raw ako nung nagdi-dinner sila.

“Nung pagdating ko doon, hinug ko siya, binati ko siya ng Happy Father’s Day.

“So, okay na lahat, kumbaga tinatawanan na lang namin ang nangyari, naging joke na lang yung sinigang na baboy.

“Tapos, tumatawa na rin siya.

“So, kumbaga, nakaka-relieve na okay na pala."

Sabi pa ni Janelle, “Hindi naman kami nag-usap ng heart to heart.

“Pero ang importante ngayon sa akin, kahit nawala ako sa Wowowin, okay na kami ni Wil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kaming masamang tinapay o bad blood with each other ni Wil.”

Nagkita ulit sila ni Wil sa wake ng yumaong anak ni Randy Santiago.

Nagbatian naman daw sila roon, subalit wala silang napag-usapan kung babalik ba siya sa show.

Kung sakaling ipatawag siya ulit ay willing daw siyang bumalik sa Wowowin dahil malaki ang utang na loob niya sa show at kay Willie.

“Oo naman, sino ba naman ako para humindi, di ba?

“At saka wala yung Kimchinatics at Kimchirifics, yung mga sumusuporta sa akin kung hindi dahil sa show.”

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Willie, nagpapasalamat pa rin si Janelle sa TV host.

Ani Janelle, “Sobra akong grateful sa kanya.

“Kumbaga, binigyan niya ako ng biggest break.

“Eto kasi yung sobrang pangarap ko na ibinigay niya, yung mag-host ng show, tapos every day pa.”

WHAT’S NEXT? Sa ngayon, isa si Janelle sa segment hosts ng Chinoy TV, isang lifestyle magazine show na tumatalakay sa Filipino-Chinese lifestyle.

Mapapanood ito tuwing Sabado, 8 P.M., with replays sa Linggo, 11 A.M., sa ABS-CBN News Channel (ANC).

Kasama niya sa show ang main host na si Gretchen Ho.

Ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“Tumanggap po ako ng hosting jobs sa mga events at corporate shows.

“Tapos nag-try rin po akong mag-artista, nakagawa rin po ako ng indie movie, yung Durugin Ang Droga directed by Dinky Doo,” saad ni Janelle.

Isang secret agent ang role niya sa pelikula, kung saan kasama rin sina Alma Concepcion, Jeffrey Santos, Jeric Raval, at marami pang iba. Sa September ito inaasahang ipalabas.

Bukod sa pagganap sa pelikula, gusto rin daw ni Janelle subukang umarte sa mga teleserye.

Sino ba ang peg niya sa celebrities ngayon para sa career path niya?

“Si Toni Gonzaga po at saka si Anne Curtis.

“Kasi pareho po silang TV host, actress, singer din, lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sila yung nilu-look up ko sa industry.”

Sino naman ang mga gusto niyang makatrabahong mga artista?

Sagot ni Janelle, “Sa GMA po, sina Dingdong Dantes, Ruru Madrid, at Rocco Nacino.

“Sa ABS naman po, sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Rayver Cruz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN