Jay-R on girlfriend Mica Javier: "Solid ang relationship namin."

IMAGE Noel Orsal / Instagram @rnbjayr

Jay-R says he and longtime girlfriend Mica Javier don't have jealousy issues: "We have a very good foundation. We trust each other."


Kumpiyansang sinabi ni Jay-R na wife-material ang longtime girlfriend niyang si Mica Javier.

Ayon sa 36-year-old R&B singer, hindi sila nagkaroon ng isyu ng selosan at subok na niya ang pagiging matapat ng nobya sa loob ng apat na taon nilang magkarelasyon.

Pahayag ni Jay-R, “Oo, tama. Inspired lang kami. We are working hard.

“Solid yung relationship namin. We have a very good foundation. We trust each other.”

My heart. ???? #jamica #BhotelQC

A post shared by MICA JAVIER (@darealmica) on

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R sa presscon ng Soul Brothers, ang pagsasamahang concert nila nina Billy Crawford at Kris Lawrence sa Kia Theatre sa September 15.

Ginanap ang presscon sa Fully Belly Craft Kitchen sa Quezon City noong August 24.

WEDDING TALK. Dito ay inamin ni Jay-R na hindi maiwasang mapaisip siya tungkol sa paglagay sa tahimik dahil karamihan sa mga kasabayan niya sa showbiz ay engaged at kasal na.

Kabilang dito ang matalik niyang kaibigang si Billy, na nakatakdang magpakasal sa fiancée nitong si Coleen Garcia sa summer 2018.

“Yes, lahat kasal na. Si Kyla, si Karylle. Si Anne Curtis, si Billy… they’re all getting married.

“Si Jolina Magdangal kasal na, si Kris Lawrence may anak na.

“Parang ako na lang yung hindi pa ano…”

Sa kaso niya, aminado si Jay-R na kasal din ang patutunguhan ng relasyon nila ni Mica.

Pero nilinaw ng singer na hindi pa siya nagpo-propose sa kanyang 24-year-old girlfriend, na ngayo’y miyembro ng all-female group na GirlTrends.

Patuloy ni Jay-R, “We’re not really rushing it.

“Si Mica, my girlfriend, yung momentum niya sa career niya ngayon, medyo tumataas na.

“Sa akin, ayoko ring i-pressure siya.

“Gusto ko rin siya mag-strive sa kanyang mga dreams and aspirations.

“Ako rin, marami pang gustong gawin.”

PERSONAL DREAMS. Sa ngayon, nakatuon pa rin ang atensiyon ni Jay-R sa pagpapalago ng sariling record label na Homeworkz at negosyo niyang water station. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parte ba ng paghahanda niya sa pagpapakasal ang pagiging financially stable?

Sagot ni Jay-R, "You know, that’s part of it, for sure. It's for the future.

"And that’s also in my plans, getting married in the future pa rin, few years from now.

"At the same time, it has always been a plan of mine to have a record label. To really give back to the music industry."

Sa huli, ibinahagi ng singer kung saan niya nakukuha ang inspirasyon na pagbutihin ang trabaho. 

"I always go with the motto na what goes around comes around. Kung anong ibigay mo sa mundo, ibabalik din sa 'yo.

"So, kung mabait ka sa tao, mabait din sila sa 'yo.

"If you work hard, you will gain something positive in return.

"You have to stay positive in everything." 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN