Enchong Dee chooses not to complain about changes in A Love To Last role

IMAGE Noel Orsal

Enchong Dee on attitude towards his showbiz career: "Sabi ko nga, kung masyado akong naging bitter sa show na ito [A Love To Last], kung naging reklamador ako, I don't think bibigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ulit, like ngayon, sila Erich. So, I'm happy."


Inamin ni Enchong Dee na minsan siyang nagkaroon ng pag-aalinlangan sa estado ng kanyang showbiz career.

Kaugnay ito ng pagiging supporting cast member niya sa ABS-CBN primetime teleserye na A Love To Last, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Ian Veneracion, at Iza Calzado. 

Si Enchong ay gumanap bilang nakababatang kapatid ni Bea sa show.

Kuntento ba siya sa naging exposure ng karakter niya?

Sagot ni Enchong, “I'll be honest, there was…

"Siguro mga two or three times akong nakipag-meeting just to ask kung ano yung nangyari dun sa character.

“But as they can see sa show, meron naman siyang sariling kuwento, e.

“Of course, people were expecting a bigger, meatier role.

“Pero I think I have to remind myself na ang trabaho ko bilang aktor is to be an actor, hindi naman para maging bida, di ba?”

Nakapanayam si Enchong ng entertainment reporters pagkatapos ng presscon ng A Love To Last, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound ngayong araw, August 29. 

Ayon kay Enchong, iba ang itinakbo ng kuwento ng karakter niya sa show kumpara noong una itong iprinisinta sa kanya.

Pero pinili raw ng aktor na maging positibo sa kanyang sitwasyon.

Aniya, “Mahirap kasi yung, alam mo yun, reklamo ka nang reklamo.”

Ang huling pinagbidahan ni Enchong na ABS-CBN primetime teleserye ay ang Muling Buksan Ang Puso, kasama sina Julia Montes at Enrique Gil, noong 2013.

Nitong nakaraang linggo, naiulat ang balik-tambalan nina Enchong at Erich Gonzales sa isang teleserye kasama ang bagong Kapamilya star na si Louise delos Reyes.

Nakatakda raw siyang magsimula sa bagong proyekto pagkatapos ng A Love To Last

Patuloy ni Enchong, “Sabi ko nga, kung masyado akong naging bitter sa show na ito, kung naging reklamador ako, I don’t think bibigyan ako ng pagkakataon na makatrabaho ulit, like ngayon, sila Erich.

“So, I’m happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN