Paulo Avelino on son's closeness to Paolo Contis: "Alam naman ng bata na ako yung tatay niya."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Paulo Avelino, masaya ang mga araw na nakakasama niya ang anak kay LJ Reyes. Hindi daw niya maiaalis na masaya rin ang bata kapag kasama nito ang nobyo ni LJ na si Paolo Contis.


Hindi raw naiinggit o nagseselos si Paulo Avelino sa closeness ng anak niya kay LJ Reyes sa boyfriend ngayon ng aktres na si Paolo Contis.

Pahayag ng Kapamilya actor, "Kumbaga, may mga oras din naman para makasama ko yung anak ko.

“Hindi ko rin naman masabi kung anong mga nangyayari sa mga side nila.”

Sa hiwalay namang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay LJ, sinabi nitong hindi pinapalitan ni Paolo si Paulo bilang totoong ama ng bata.


Stories We Are Tracking

Paolo Contis speaks up about being father figure to LJ's son
Paolo Contis speaks up about being father figure to LJ's son

Sabi rin ni Paulo tungkol dito, “Alam naman ng bata na ako yung tatay niya.

"Kumbaga, hindi ko naman... wala naman akong sinasabi or, kumbaga, ayun lang.

"At the end of the day, gusto ko masaya yung bata.”

Pitong taong gulang na ngayon ang anak nina Paulo at LJ.

Kung si LJ ay nakahanap na ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Paolo Contis, si Paulo ay masaya na rin sa piling ng kanyang model-girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Itinuturing nga niyang “blessing” ang kanilang relasyon.


Stories We Are Tracking

Paulo Avelino confirms relationship with Fil-Aussie model
Paulo Avelino confirms relationship with Fil-Aussie model

Masaya rin ang aktor dahil ipapalabas na ngayong Setyembre ang matagal na nilang nagawang teleserye, ang The Promise of Forever, kasama sina Ritz Azul at Ejay Falcon.

Sa digicon na ginanap kanina, August 29, masayang ikinuwento ng tatlo ang shooting nila sa Eastern Europe na umabot ng halos tatlong linggo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN