Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus: "Lagi ko naman po siya pinatatawad."

IMAGE Instagram

Raquel Pempengco on eldest child Charice aka Jake Zyrus: "Alam kong nabubulagan lang si Charice o nadidiliman siya sa mga tinatahak niya ngayon, dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Siguro po, pag wala na siyang maipagmamalaki... Always naman po, nandito ako lagi, dahil ilang beses naman po niya akong iniwan saka dinatnan."


Hindi pa man humihingi sa kanya ng paumanhin ang anak na si Charice Pempengco o Jake Zyrus, sinabi ni Raquel Pempengco na pinapatawad na niya ito.

Nakahanda rin daw siyang tanggapin ang anak kung sakaling bumalik ito sa kanya.

Ito ay kaugnay ng life story ni Jake sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na umere noong Sabado, August 26.

Base sa salaysay ni Jake, ipinakita sa episode na pinamagatang "Jumper" ang pagmamaltrato at pananakit umano ni Raquel sa anak upang sumali sa mga singing contest at ang patuloy na masamang pagtrato nito sa anak maging noong sikat na si Charice.

Pahayag ni Raquel sa panayam sa kanya programang Showbiz Talk Ganern sa DZRH kagabi, August 29, “Hindi na po niya kailangang humingi ng sorry.

“Hindi na po niya kailangang humingi ng sorry sa akin.

“Maramdaman ko lang po ang yakap niya at pagmamahal niya, okay na po sa akin.

“Burado na lahat ang sama ng loob at hinanakit na nagawa niya sa akin.

“Lagi ko naman po siya pinatatawad.”

Maging ang nakababatang kapatid ni Jake na si Carl Pempengco ay galit din daw sa singer.

Sa life story ni Jake sa MMK, ipinakitang hindi rin tanggap ni Carl ang pagiging tomboy ni Charice at pinapanood lang nito ang pagmamaltrato ng kanilang ina sa kapatid.

Sabi raw ni Raquel kay Carl, “Ganyan lang ang reaksiyon natin dahil nandiyan tayo, pero kapatid mo pa rin yun.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus MMK episode depicts
Jake Zyrus MMK episode depicts "abuse" suffered from mom
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode

NOT SINCERE. Pero sa ngayon ay alam ni Raquel na matigas pa ang kanyang anak.

Hindi nga raw niya sinagot ang mensahe ni Jake para sa kanya na ipinost nito sa Instagram ilang minuto matapos ipalabas ang life story nito sa MMK.

Sabi ni Jake sa Instagram: “Sa aking ina, totoo po ito, walang halong showbiz o kung ano man, alam mo po na mahal na mahal na mahal kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pasensya na po kung hindi ko maibigay ang mga pangangailangan na nakasanayan po dati.

“Alam ko po ang lahat ng ginawa mo para sa akin, alam ko rin po na kahit anong mangyari, pamilya tayo.

“Someday, magiging okay po ang lahat, at kung dumating man po sa puntong di nyo pa rin po maintindihan, sana po ay maramdaman nyo po na mahal po namin kayo ni Coy, at yun ang pinakaimportante sa lahat."

“Love conquers all.

“This time po, ako naman po ang magsasabi ng totoo. Mahal ko kayo.”

Reaksiyon dito ni Raquel, hindi niya naramdaman ang sincerity sa mensaheng ipinadala sa kanya ng anak.

“May halong ka-showbiz-an at kaplastikan yun, dahil kung mahal na mahal niya ako, bakit niya gagawin yun?

“Ako, hindi ko kailangang sabihin sa public na mahal na mahal ko siya.

“Gusto kong ipadama sa kanya, pero siya ang lumalayo,” pahayag niya.

Kahit sinasabi ni Raquel na itutuloy niya ang libel complaints laban sa Maalaala Mo Kaya at pati kay Charice, awa pa rin daw ang nararamdaman niya para sa anak.

Saad niya, “Naaawa po ako sa kanya. Mas lalo po akong naawa kay Charice.

“Kasi, nakikita po na wala talagang gumagabay sa kanya nang maayos.

“Lagi po akong nagdarasal, namamanata.

“Lagi ko pong sinasabi sa mga nakakausap ko na, ‘Ipag-pray na lang po niyo kami.’

“Yun na lang po ang lagi kong sinasabi sa kanila dahil ayoko naman pong siraan ang anak ko.

“Nagawa na nga niya akong siraan, dadagdagan ko pa?”

WAITING FOR JAKE’S RETURN. Iniiwasan na raw ni Raquel na magsalita pa dahil ayaw niyang pagpiyestahan pa sa publiko ang problema nilang pamilya.

Ayaw na rin niyang sagutin ang inilabas na saloobin ng kanyang ina na si Thess Pineda, na umaayon sa kuwento ni Jake sa MMK.

Kahit kinontra siya ng ina at kumampi ito kay Charice, wala pa rin daw siyang sasabihing laban dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Raquel, “Kilala ko naman po ang nanay ko.

“Wala akong masasabi, hindi ko kailangan buhatin ang sarili kong upuan para mapasama ang iba.

“Ang ibang tao na lang po ang magdedesisyon kung ano yung tama, at sino yung mali.”

Umaasa na lang daw siyang maayos ito at isa sa mga araw na ito ay babalik ang kanyang anak.

“Alam kong nabubulagan lang si Charice o nadidiliman siya sa mga tinatahak niya ngayon, dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“Siguro po, pag wala na siyang maipagmamalaki...

“Always naman po, nandito ako lagi, dahil ilang beses naman po niya akong iniwan saka dinatnan.

“Kilala na ako ng mga anak ko, ang pag-uugali ko, at kilala ko rin naman po sila.

“Kaya alam ko po nandiyan ako para mag-guide sa kanya sa tamang daan,” pahayag ni Raquel.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang mga nasa likod ng Maalaala Mo Kaya kaugnay ng reklamo ni Raquel.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, <em>MMK</em>
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, MMK


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN