Ritz Azul on TV5 artists moving to ABS-CBN: "Nandun ka sa opportunities."

IMAGE Noel Orsal

Tinatanaw daw na malaking utang na loob ni Ritz Azul ang pagkadiskubre sa kanya ng TV5. Ngunit kailangan daw nila maghanap ng oportunidad sa labas ng istasyon dahil sa pagsasara ng entertainment department ng Kapatid network.


Masaya si Ritz Azul na nakahanap ng bagong tahanan sa ABS-CBN ang kapwa niya TV5 stars na nawalan ng trabaho nang magsara ang entertainment department ng Kapatid network.

Bukod sa kanya, nasa ABS-CBN na rin ang mga dating TV5 artists na sina JC de Vera, Arci Muñoz, Morisette Amon, Mark Neumann, Chanel Morales, at Vin Abrenica.

Ang veteran stars namang lumipat sa Kapamilya network na galing sa TV5 ay sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Gelli de Belen, at Aga Muhlach.

Pahayag ni Ritz, “Oo nga, 'no, halos nandito na rin.

"Well, masaya ako na nagkaroon kami ng mga ginagawa.

“Masaya ako na nakakapag-move on kami, nagiging better person kami.

“Nakikita ko namang kapag nagkikita kami, ‘Uy, nandito ka na rin!’ Parang nagiging mini-reunion.

“Alam mo yung feeling na, kumbaga, para kang OFW na nakakita ka ng kapwa Filipino?

"Parang ganun, masaya sa feeling."

Ngunit nilinaw ni Ritz na malaki ang naging utang na loob niya sa TV5, kung saan naging produkto siya ng artista search na Star Factor noong 2010.

Pero ngayong wala na silang outlet upang maipakita ang kanilang talento sa pag-arte, mas maiging maghanap daw sila ng istasyong maaaring magbigay ng oportunidad sa katulad nila.

Pahayag ng aktres tungkol sa TV5, “Naging bahay mo rin yun, pero minsan nandun ka sa opportunities.

“Dun ka sa kung saan ka magiging better person.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa digital conference ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang The Promise of Forever, na ginanap sa Don  Juan restaurant, sa Quezon City, kahapon, August 29.

Kasama ni Ritz na humarap sa ilang media ang leading men niyang sina Paulo Avelino at Ejay Falcon.

BANANA SUNDAE. Samantala, mainstay rin si Ritz sa gag show ng ABS-CBN Banana Sundae.

Aware ba siya sa isyung siya raw ang ipinalit kay Jessy Mendiola?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ritz, “Nai-issue? Hindi. Hindi. Hindi.”

Ayon sa mga lumabas na report, dahil daw sa biglaang pagkawala ni Jessy, siya ang napili ng production na ipalit dito dahil sexy rin naman si Ritz.

Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi ko po masabing ipinalit ako kasi nagkita pa kami, e. Nagkasama pa kami sa Banana Sundae.

"Tapos, sa akin naman, nagawa ko rin naman nang kaunti itong comedy sa previous station ko.

“At sobrang nag-e-enjoy akong gawin ito, kasi parang hindi ako nagtatrabaho. Parang naglalaro lang ako.

“Actually, ako lang… parang minakeup-an lang ako, tapos nilagay sa camera.

“Yun naman yung sa akin, siguro naging dagdag na lang yung pagiging sexy.

"Pero, sa akin kasi nakakatawa lang din yung kung sino ka talaga. Kung sino yung ipinapakitang ikaw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN