Raquel Pempengco comments on her mother taking side of Jake Cyrus

IMAGE Courtesy: Raqz Pempengco / Thess Pineda on Facebook

Ipinagdarasal na lamang daw ni Raquel Pempengco (unang litrato, kaliwa) ang kaguluhang nangyayari ngayon sa kanilang pamilya. Ngunit hindi raw niya inasahang kakampi ang inang si Thess Pineda (pangalawang litrato) sa apong si Jake Zyrus (unang litrato, kanan), kung saan inilalarawan siya nitong mapang-abusong ina sa Maalaala Mo Kaya episode, noong Sabado, August 26. 


Hindi raw tatalikuran ni Raquel Pempengco ang pagiging anak niya sa inang si Thess Pineda-Relucio.

Ito ay sa kabila nang pagkampi ng sariling ina sa apo nitong si Charice Pempengco, aka Jake Zyrus, laban kay Raquel.

Pinaboran ni Lola Thess ang salaysay ni Jake sa Maalaala Mo Kaya episode nito noong Sabado, August 26, kung saan ibinunyag ditong isa umanong mapang-abusong ina si Raquel.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Jake Zyrus leaves a special note to old self Charice
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Jake Zyrus's maternal grandmother approves of MMK life story
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, <em>MMK</em>
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, MMK

Ayon kay Raquel, hindi siya galit sa ginawa ng ina.

Sa text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, Agosto 30, sinabi ni Raquel na hindi niya kayang salungatin ang taong nagsilang sa kanya.

Mensahe niya, “Kung si Charice po nagawa niyang ipagkanulo ang sarili niyang ina, di ko po magagawa sa nanay ko yun.

“Para po sa nanay ko, kung dun po siya nakakaramdam ng kasiyahan, yung nakikita niya kung gaano kagulo ang pamilya niya, hindi po ako ganun.”

Ngunit inamin ni Raquel na hindi niya inasahang kakampihan ng sariling ina si Jake. 

Pahayag nito, “Sana naman po siya ang namamagitan, hindi po yung tuwang-tuwa pa siya na nakikitang magulo ang pamilya niya.

“Basta po sa kanilang dalawa, kung yun po ang tingin nila sa akin, isang kaaway, bahala na lang po si Lord sa akin at alam ko po na HINDI NATUTULOG ANG DIYOS. 

“Lalabas at lalabas din po ang katotohanan nang hindi ako nagsasalita.”

Pagtatapos ni Raquel, “AYOKO PONG BUHATIN ANG SARILI KONG UPUAN PARA MAPABUTI AKO SA PANINGIN NG IBA AT PARA NAMAN MAPASAMA ANG ISA.

"MAGDARASAL NA LANG PO AKO AT LILIPAS DIN ITO."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN