Ronnie Alonte evasive when asked about his rumored love life; is it Loisa Andalio?

IMAGE Noel Orsal

There are whispers that Ronnie Alonte has someone special, but the young star refuses to be drawn into an admission. Is it Loisa Andalio?


Pilit na pinaamin si Ronnie Alonte kung sino ang babaeng nagpapatibok ng puso niya ngayon.

Sa presscon ng A Love To Last, nanguna si Julia Barretto sa pagpapahiwatig tungkol sa estado ng love life ng binata. 

Ito ay matapos diretsahang pinapili si Julia kung sino ang maituturing niyang “love to last” sa pagitan nina Ronnie at Joshua Garcia.

Si Ronnie ay co-star ni Julia sa teleserye, habang si Joshua ay leading man ng aktres sa pelikula at kilalang nanliligaw sa dalaga. 

Sabi ni Julia, “Alam mo, I would have to say, I have to pick Joshua because Ronnie has a different love to last.”

Sa puntong ito ay nakisali si Bea Alonzo sa panunukso kay Ronnie.

Hirit ni Bea, “Sino naman ang love to last mo?”

Pero tinawanan lang ni Ronnie ang pangungulit ng kanyang co-stars at saka umiwas na sagutin ang katanungan tungkol sa love life.

Sabi lang ni Ronnie, “Oo nga, last question na [para kay Julia], ang ganda.”

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City kahapon, August 29. 

Sa kalagitnaan ng presscon proper, tinanong ang cast kung sino ang kanilang “love to last” sa tunay na buhay.

Pero hirit ulit ni Bea, “Ronnie, para sa ‘yo talaga yung question.”

Sa tono ng pananalita ni Bea ay tila may nalalaman ito, pati na rin ang ibang co-stars nila, kung sino ang nagmamay-ari ng puso ni Ronnie.

Ngunit nanatiling paiwas pa rin ang sagot ng binata, “Sa edad kong ‘to, parang wala pa, e.”

LOISA ANDALIO? Gayunman, hindi kailang ilang buwan nang nauugnay si Ronnie kay Loisa Andalio.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 5, sinabi ni Ronnie na alam niyang may usap-usapang nag-uugnay sa kanila ng Pinoy Big Brother: All In ex-housemate.

Ngunit nilinaw ng aktor na “best friends” lang ang turingan nila ni Loisa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin, kami ni Loisa, parang mag-best friends na din kami talaga.

“Kasi iba ang closeness naming dalawa.

“Sobrang iba kasi ang pagka-close namin ni Loisa talaga.”

Naging malapit ang dalawa nang magkatrabaho sila noon sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Si Ronnie ay kabilang sa all-male group na Hashtags, habang si Loisa ay bahagi ng all-female group na GirlTrends na madalas mayroong guest appearance sa noontime show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN