Mark Herras bets on girlfriend Winwyn Marquez in her Miss World Philippines bid

IMAGE Instagram photo of Mark Herras

Mark Herras gives full support to girlfriend Winwyn Marquez on her Miss World PH 2017 bid: " I wish na matupad na yung matagal mo ng pangarap."


Todo-suporta ang Kapuso actor na si Mark Herras para sa girlfriend niyang si Winwyn Marquez, na sasabak sa Miss World Philippines 2017.

“You got this ga!” sabi ni Mark sa kanyang long-time girlfriend sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Miyerkules, August 30.

Sabi pa niya, “Andto kameng lahat para suportahan ka :) I know & I wish na matupad na yung matagal mo ng pangarap. I love you ga go miss world”

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Winwyn, sinabi nitong si Mark mismo ang naghimok sa kanyang muling sumali sa isang beauty pageant.

“He wants me to join talaga kasi sobrang lagi kong binabanggit na gusto kong sumali ulit, ayokong mag-regret,” aniya.


Stories We Are Tracking

Winwyn convinced by Mark to join Miss World Philippines
Winwyn convinced by Mark to join Miss World Philippines
Mark reveals reason why he can't marry Winwyn yet
Mark reveals reason why he can't marry Winwyn yet

Unang sumali si Winwyn sa Binibining Pilipinas noong 2015, ngunit nabigo siyang makakuha ng anumang korona mula rito.

Kasabayan ni Winwyn dito si Pia Wurtzbach, na itinanghal na Miss Universe-Philippines at nagwagi bilang Miss Universe.

Gaganapin ang coronation night ng Miss World Philippines 2017 sa Linggo, September 3, sa Mall of Asia Arena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN