Edgar Allan Guzman admits he was blinded by love

IMAGE Noel Orsal

Edgar Allan Guzman says giving his love life and career equal attention has burned him. "Pinagsabay ko, tinray kong pagsabayin. Yun nga lang, hindi siya nag-work, hindi siya nagsabay. Nabulag lang… lahat tayo nai-in love, iyon yung sinasabi kong nabulag," he admits.

 


Itinanggi man ni Edgar Allan Guzman na naapektuhan ng love life niya ang kanyang career, aminado naman ang aktor na nagkamali siya. Ang takbo ng kanyang career ay pabugso-bugso na lamang.

Pagtanggi niya: “Hindi naman po siguro, kumbaga, sa akin iyon, bilang sa sarili ko, sa akin yun.

“Kumbaga, binigyan ako ng panahon para matuto, para ma-realize kung ano yung mga dapat ko munang unahin.

“Hindi naman siya factor, kasi pag tiningnan ko, mas lalo lang ako madi-disappoint.”

Pag-amin niya: “Siguro masyado lang tayong nabulag.

"Lahat naman tayo, e, umiibig, lahat naman tayo gusto ng inspirasyon at kailangan ng inspirasyon.

“Siguro nabulag lamang ako.

"And aminado naman ako dun, pinagsabay ko, tinray kong pagsabayin.

“Yun nga lang, hindi siya nag-work, hindi siya nagsabay.

“Nabulag lang… lahat tayo nai in love, iyon yung sinasabi kong nabulag."

Ngayon ay ayaw na muna niyang umibig muli?

Sagot ng magaling na stage at movie actor, “Bukas po ako na makapareha ang mga Kapuso leading ladies, open ako.

“Hindi ko sasabihin na ayoko, kasi iyon nga po, dahil gusto ko munang magtrabaho.”

Namulat na siya ngayon?

“Opo!” bulalas niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang huling napabalitang karelasyon ni EA—palayaw ni Edgar—ay ang dating TV5 artist na si Shaira Mae, na ngayon ay napapanood na sa daytime drama series ng GMA Network na Trops.

LAST GAY ROLE. Si Edgar ay kasama sa cast ng Kapuso primetime series na My Korean Jagiya, na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Alexander Lee.

Aktibo rin siya sa paggawa ng indie movies, at katatapos lang niya ang Deadma Walking, kung saan bida rin si Joross Gamboa.

Umaasa raw silang makasama ito sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Edgar, “Ipinagdadasal po namin.

"Kung hindi naman, itutuloy pa rin naming ipalabas sa mga sinehan.”

Ito na rin daw ang huling gay role ni Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, kasi andun na lahat, e, drag queen, theater actor.”

Nagsawa na ba siya sa gay roles?

“Hindi naman nagsawa, kumbaga masyado nang nata-typecast, iyon nang iyon yung nagiging role ko.”

Masaya raw si Edgar na booming ang indie film.

“Ang sarap ng feeling kasi nakabalik ulit ako after how many years.

“Nakita ko yung passion ng mga filmmakers natin, mga producers na tangkilikin at magpalabas pa ng magagandang pelikula.

“Hindi lang mainstream, pati indie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN