Jake Zyrus admits he has a new inspiration; refuses to give details about relationship

IMAGE Shyre Aquino Instagram

Jake Zyrus (right) on having a new inspiration in Shyre Aquino (left): "Mas magaan, mas magaan sa feeling na alam mong mayroong someone sa buhay mo na mahal ka at susuportahan ka. Extra-extra inspired."


Inamin ni Jake Zyrus na may bago siyang inspirasyon ngayon, ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sa relasyon nila.

Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa love life ng singer nang magkomento si Jake sa Instagram post ng isang babaeng nagngangalang Shyre Aquino noong August 14.

Ang Instagram post ni Shyre ay ang larawan nilang dalawa ni Jake.

Base sa mensahe ni Jake, si Shyre ang dahilan kung bakit muling nanumbalik ang tiwala niya sa sarili.

Ito ang buong post ni Jake para kay Shyre: “You deserve all these good comments.

“They don't even know who you really are as a person.

“To all of you, this woman makes me feel good about myself.

“She's the reason I stopped hating myself because of what other people think/say about me.

“Other than her outer beauty, her inner beauty is one of the many reasons why I adore her.

“She's patient, funny and humble. Thanks for complimenting her. It makes me feel very proud. She's a really good human being.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus introduces his new ladylove
Jake Zyrus introduces his new ladylove

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jake sa studio ng ASAP sa ABS-CBN compound noong Linggo, August 27, nagbigay ito ng pahayag tungkol sa estado ng kanyang love life.

Saad ng 26-year-old singer, “Masaya, masaya ako.

“At para sa akin, yun ang pinakaimportante, hindi lang sa akin kundi sa ating lahat, because it changes everything.

“It changes who you are, it changes perspectives mo sa buhay—saka mas magaan.

“Mas magaan, mas magaan sa feeling na alam mong mayroong someone sa buhay mo na mahal ka at susuportahan ka.

“Extra-extra inspired.”

Ngunit umiwas nang magbigay ng detalye si Jake sa namamagitan sa kanila ni Shyre.

“Siyempre, yung istorya na ‘yan, sa amin na lang. We’d like to keep that part private.

“So, okay na yung ano nila na, yes, there’s someone in my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nae-enjoy namin yung mga moments and may mga details na kami lang ang nakakaalam.”

Dagdag lamang ni Jake, "She’s originally from Davao, but she’s here."

UPCOMING PROJECTS. Samantala, excited na si Jake—na unang nakilala sa showbiz bilang Charice Pempengco—para sa mga nakalinyang trabaho para sa kanya.

Isa na rito ang upcoming concert niyang pinamagatang I Am Jake Zyrus, na magaganap sa Music Museum sa October 6.

Ayon sa singer, “Kinakabahan na excited, kasi yung feeling na parang first time na mag-concert.

“It’s gonna be, like, pinaghahandaan talaga.

“Sasayaw ako, everything na mahal kong gawin… maggigitara ako, instruments…"

Dagdag ni Jake, “I also recorded something for ABS-CBN.

“Excited ako diyan, and abangan nila ‘yan.”

Nakilala sa buong mundo si Jake, bilang si Charice, na isang napakahusay na singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN