Addy Raj aims to break stereotypes about Indians: "Not all Indians are 5-6, dark, mabaho..."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Addy Raj hopes to change the perception about Indians in the country. He says, "Actually, it's one of my aims as a public personality… I want to change the perception for Indians that not all Indians are 5-6."


Inamin ng Kapuso artist na si Addy Raj na nakaranas siya ng diskriminasyon nang dumating siya sa Pilipinas. 

Pagkalipas ng isa't kalahating taong pamamalagi sa bansa, hindi lang nakapasok si Addy sa local showbiz at natigil na rin ang diskriminasyon sa kanya bilang isang purong Indian.

Sabi ng 22-year-old former exchange student, “Ngayon, wala na [discrimination].

"Pero nung bago ako dito sa Pilipinas and lahat ng tao hindi nila nakilala kung sino ako.

"They never thought I was Indian to begin with."

Nakilala si Addy nang maging bahagi siya ng defunct Kapuso primetime series na Meant To Be, na pinagbidahan din nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Ken Chan.

Ngayong isa na siyang public figure, nais ni Addy na mabago ang pag-iisip ng mga tao sa kagaya niyang taga-India.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang blogger si Addy sa kanyang birthday charity celebration, kasama ang mga bata mula sa Child Hope Foundation, na inorganisa ng GMA Artist Center, nitong Miyerkules, August 30.

STEREOTYPE. Ani Addy, namana niya ang maputing balat mula sa kanyang ina.

Kaya pagdating niya sa Pilipinas, inakala ng mga nakakasalamuha niya na may dugo siyang Pilipino at may lahing Amerikano o European.

Hindi raw inakala ng mga Pinoy na purong Indian siya. 

"This was the wrong perception of Filipinos, kasi they think that Indians cannot be white," sabi niya.

Bukod sa pagiging maitim, sinabi ni Addy na ang tingin ng mga tao sa Indian ay mabaho at may kinalaman sa 5-6 o pagpapautang na may patong na interes. 

“I really want to break that stereotype that Indians are 5-6, Indians are dark, mabaho,” pahayag ng binata.

Kuwento pa ni Addy, noong una ay nakakatanggap siya ng mensahe sa social media at tinatanong tungkol sa 5-6.

“I still remember a few messages, like, on my Facebook or message on social media, like, asking me for 5-6 and I was, like, ‘What is 5-6?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There was no 5-6 in India. I got to know about it only when I came here.

“Actually, it’s one of my aims as a public personality… I want to change the perception for Indians that not all Indians are 5-6.”

Patuloy niya, “I’ve met a lot of Indians [here]. I met the owner of New Bombay [restaurant].

“Pareho yung tingin niya, all the time, people think 5-6, 5-6.

“That’s not true. There’s [Indian] people who are in restaurants, there’s people who are in IT [information technology]. There’s doctors.

“A lot of [Indian] medical students are here in the Philippines, especially in Davao.”

Natatawa rin si Addy sa perception ng maraming Pinoy na may kakaibang amoy ang mga Indian.

“I make sure I smell good all the time. Even in the gym! 

“These three stereotypes, actually, I want to break it.

"And I hope that as my career moves forward, I would be able to show it to the people that Indians can be very far from that.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN