Teejay Marquez on gay rumors hounding him: "Sure naman po ako sa gender ko."

IMAGE Arniel Serato

Teejay speculates on persistence of rumors he is gay: "Siguro dahil sabi nila, 'Ang guwapo mo, para kang bakla,' 'Ang puti mo masyado, para kang bakla,' 'Ang tahimik mo masyado, para kang bakla,' o kaya, 'Ang daldal mo masyado, para kang bakla.'"


Ngayong lumipat sa ALV Talent Management si Teejay Marquez, magkasama na sila sa kuwadra ng na-link sa kanya noon at kapwa-aktor na si Martin del Rosario.

Kaya naman nang makausap si Teejay ng PEP.ph, inusisa namin ang Indonesia-based star tungkol sa issue sa kanila ni Martin.

Seryosong sabi ni Teejay, “Minsan nga pag nagkasama kami, nahiya akong kausapin.

"Kasi baka mamaya pag kinausap ko, sabihan ako na, 'Uy, Teejay, lumayo ka sa akin baka ma-link tayo.'

“May mga ganun, kaya minsan nababawasan yung mga taong puwede kong kakaibiganin... naiilang lang, nakakalungkot din."

Sabi pa niya tungkol kay Martin, "Magkakaibigan talaga kami kaya nga natatawa ako kapag napag-uusapan yun, parang, 'Ano ba 'yan!'”

Bakit hanggang ngayon ay walang nababalitang nililigawan niyang babae?

Sagot ni Teejay, “Naghahanap naman po ako, siyempre yung gusto ko ay yung mahal na mahal ko talaga.”

Patotoo pa niya, hindi na raw siya inosente pagdating sa babae.

“Siyempre, hindi na. Hindi na ako virgin, yes.”

GAY RUMOR. Pero ang daming gay issues na ibinabato sa kanya, hindi ba siya nagtataka?

Tugon ni Teejay, “Siguro dahil sabi nila, 'Ang guwapo mo, para kang bakla,' 'Ang puti mo masyado, para kang bakla,' 'Ang tahimik mo masyado, para kang bakla,' o kaya, 'Ang daldal mo masyado, para kang bakla.'

“Hindi ko ma-explain kasi hindi ako nabigyan ng chance para makilala ng tao."

Ngunit diin niya, "Sure naman po ako sa gender ko."

Naaapektuhan ba siya sa mga isyu, na kahit nasa Indonesia siya at nagtatrabaho roon ay may mga ibinabato pa ring intriga tungkol sa kanya?

Saad niya, "Siyempre, naapektuhan ako, kasi andun ako.

"Wala naman akong ginagawa, tapos may mga ganito.

“Hindi ko nga kilala yung mga nili-link sa akin, tapos yung mga litrato, video, hala!

“May kahalikan, may ginagawang scandal, may picture daw akong nakahubad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin ni Teejay sa PEP.ph: “Wala po talaga akong ginagawa, ipapaputol ko man ang kamay ko.

“Kung meron man akong ginagawa, matatalino na ang mga tao, alam nila yun kung ako.

“Basta hindi ako 'yan, at wala naman akong inaapakang tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teejay sa contract signing niya bilang bagong Regal Millennial Baby, sa Valencia Events Place, Quezon City, nitong Miyerkules, August 30.

Kasama ni Teejay sa contract signing sina Regal matriarch Lily Monteverde at ang manager niyang si Arnold Vegafria.


REGAL BABY. Ngayong Regal Baby na siya, handa raw subukan ni Teejay ang iba't ibang roles sa pelikula, gaya na lang ng transgender role ni Christian Bables sa Die Beautiful.

Ayon naman kay Mother Lily, baka mag-recruit sila ng Indonesian actress para ipareha kay Teejay sa mga pelikulang gagawin nito sa kanyang kumpanya.

Ang pelikulang gagawin niya ay ipalalabas din sa Indonesia, kung saan kilalang-kilala ang Pinoy actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN