Arjo Atayde refuses to reveal identity of girlfriend; netizens say it's Girl Trends member Sammie Rimando

IMAGE Glenn Regondola

Arjo Atayde on his relationship with someone from showbiz: "I don't want a relationship with anyone in showbiz. That was my idea, but then, I landed to that, so it was fun. Basta for me, I want to keep it private, I'm happy."


Aminado si Arjo Atayde na masaya ang personal niyang buhay ngayon, pero tumanggi siyang pangalanan ang nagpapasaya sa kanya pati na ang ilang detalye tungkol dito.

Pahayag ng Kapamilya actor tungkol sa kanyang love life, “I don't wanna go into details.

"I want to keep everything private as possible.

“But I'm happy. I'm happy now, it's all I can say.

“I don't want anything public, as much as possible.

“But for now, I'm happy. It's my happiness.”

Sa halos ilang taong niyang pagiging single, natagpuan na ba niya ang talagang nagpatibok ng kanyang puso?

Tugon ni Arjo, “Sobrang masaya ako, yun lang.

“Five years din [walang girlfriend]... it's a very, very long explanation.

“But it's very personal, but siguro, I came from a very long relationship, that's why.

“My last was... eight years? Seven or eight years, so it was really long.

“And I just don't want to jump in another one during that time."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa pocket presscon para sa renewal  ng kanyang contact bilang celebrity endorser ng Hammerhead Shirts & Jeans, na ginanap sa Arty's Cafe, sa Quezon City, kahapon, August 30.

KEEPING IT PRIVATE. Ano ba ang naka-attract sa kanya sa babaeng ito? Ito ay dahil ba pareho silang nasa showbiz?

Pagkontra ng 26-year-old award-winning actor, “Actually, honestly speaking, ayaw ko nga talaga na... I don't want a relationship with anyone in showbiz.

“That was my idea, but then, I landed to that, so it was fun.

“Basta for me, I want to keep it private, I'm happy.

“So, that's all I can say.”

Sa puntong ito, sinubukan naming tanungin si Arjo kung puwede na niyang pangalanan ang babaeng nagpapasaya sa kanya.

Ngunit giit niya, “Ay, hindi po, okey lang.

“I just wanna keep it private. Thank you po.”

Malalaman din naman daw namin kung sino ito, sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kung pagbabasehan ang isang maikling video clip na in-upload ng entertainment magazine na Star Studio sa Facebook, marami ang nagsasabing ang babaeng nagpapasaya ngayon kay Arjo ay si Sammie Rimando, miyembro ng grupong "Girl Trends" na regular na napapanood sa It's Showtime.

Maging sa Instagram account si Sammie (@samrimando) ay marami sa mga nagkokomento sa kanyang posts ang nagbabanggit ng pangalan ni Arjo.

Bagamat walang posts ang 19-anyos na dalaga na kasama ang aktor.

♥?

A post shared by Sammie Rimando (@samrimando) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN