Joshua Garcia reveals off-cam kiss with Julia Barretto: "Sa forehead lang."

IMAGE Instagram @juliabarretto / Mark Atienza

Joshua Garcia nagpahayag ng damdamin para sa rumored girlfriend na si Julia Barretto: "Sa akin kasi, as lalaki din, gusto ko mag-effort pa rin, e. Sa tamang proseso, na nanliligaw pa rin ako. Para maramdaman niya din kung paano ligawan."


Nilinaw ni Joshua Garcia na hindi pa niya nahahalikan sa lips si Julia Barretto.

Ito ay matapos siyang diretsahang tinanong kung nahalikan na niya si Julia sa likod ng camera.

Dagdag ng 19-year-old Kapamilya actor, “No, Tito Boy. Sa forehead lang.”

Nakapanayam si Joshua ng TV host na si Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda kagabi, August 30.

Dito ay sinabi ni Joshua na iba ang kilig niya kahit sa simpleng palitan nila ng text messages ng dalaga.

Inamin din niyang ang kanilang term of endearment sa isa't isa ay "Baba," na ang ibig daw sabihin ay "Baby."  

STILL COURTING JULIA. Dala na rin ng ipinapakita nilang sweetness on and off cam, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyong magkarelasyon na sila.

iLYSB

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

Ngunit iginiit ni Joshua na hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw sa 21-year-old Kapamilya actress.

Aniya, “I’m very lucky. Sa akin kasi, as lalaki din, gusto ko mag-effort pa rin, e.

“Sa tamang proseso, na nanliligaw pa rin ako. Para maramdaman niya din kung paano ligawan.”

Napangiti naman si Joshua nang hingan siya ng komento ukol sa pahayag ni Julia na wala na siyang kailangan gawin upang makamit ang matamis nitong "oo."

Kaunting panahon na nga lang ba ang hinihintay nila bago sila pumasok sa isang relasyon?

“Yes, tama po. Perfect timing talaga,” nangingiting pagsang-ayon ng binata.

I let him style my hair for the first time and he does this ???????????

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

PARENTAL APPROVAL. Patuloy ni Joshua, hindi niya pormal na nasabi sa mga magulang ni Julia ang kanyang intensiyong panliligaw.

Pero may bilin daw sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa kanya.

“Actually, di ko po sinabi. Natakot kasi ako.

“Yun na lang po, sinabi niya sa akin, alagaan ko na lang si Julia kung sakaling nililigawan ko siya.

“Alagaan ko siya, huwag ko siyang sasaktan.”

Nangako raw si Joshua na tutuparin niya ang bilin ng mga magulang ni Julia.


Stories We Are Tracking

Julia Barretto agrees to be courted by Joshua Garcia
Julia Barretto agrees to be courted by Joshua Garcia
Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Joshua blushes after Julia's revelation that she likes him
Joshua blushes after Julia's revelation that she likes him


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN