Dennis Trillo on marrying girlfriend Jennylyn Mercado: "Hindi imposible."

IMAGE Rose Garcia

"Alam mo yun, sa ganda ng mga nangyayari ngayon, hindi imposible," says Dennis Trillo when asked if there are any wedding plans for him and girlfriend Jennylyn Mercado.


Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Kapuso primetime series na Mulawin vs. Ravena, mga pelikula naman ang naka-lineup na gagawin ng bida ritong si Dennis Trillo.

Pero kasama rin daw sa balak ng aktor ang pagtra-travel kasama ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.  

Base sa mga pahayag ni Dennis, tila open na ang dalawang popular stars ng GMA-7 sa kanilang relasyon, kumpara noon na tila umiiwas silang mapag-usapan ito.

Pahayag ng Kapuso actor, “Ganun talaga kapag masaya, di ba?

“Ayokong gamitin ang term na sobrang seryoso. 

“Mas gusto ko yung term na ‘masaya.’ 

“Kasi kapag sobrang seryoso, iba yun sa masaya. 

“So, kami, mas masaya kami.

“Kaya ganun ang mga nangyayari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa taping ng Mulawin vs. Ravena sa Makati City, noong August 26.

POSSIBILITIES. Tinanong din ng PEP.ph si Dennis kung malaki ang posibilidad na mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Jennylyn.

Sagot niya, “Well, siyempre yung possibility, hindi malabong mangyari yun.

“Kaya nga posible, e. 

“Alam mo yun, sa ganda ng mga nangyayari ngayon, hindi imposible.

“Yun ang iisipin mo kung masaya ka.”

Napag-uusapan na ba nila ni Jennylyn ang mga ganitong bagay?

“Siguro bits and pieces!” natatawang sagot ni Dennis.

“Wala pang plano talaga.

“Masaya lang kami kaya marami kaming ginagawang magkakasama na pamilya... bakasyon.”

Kumusta naman sila ng ama ni Jennylyn, na ngayon ay nakapisan sa dalaga?

“Mas masaya siyempre kasi mas kumpleto na. 

“Nakikita ko si Jen na mas masaya siya.

“Kahit paano buo na ang pamilya,” sabi ng aktor.

Nagpahayag din si Dennis ng kagustuhang makasama muli si Jennylyn sa isang proyekto.

Huli silang nagkatrabaho sa teleseryeng My Faithful Husband noong 2015.

“Hindi rin naman imposibleng mangyari yun.

“Hindi pa lang siguro dumarating ang tamang project."

Dagdag pa ni Dennis, “Ang galing na artista kaya gusto ko siya ulit makatrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dennis mismo ay kilala bilang magaling na aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN