Solenn Heussaff reveals plan to be manager to the stars

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff reveals that she never hired any staff, such as stylists or makeup artists, in her six years in showbiz. She reasons, "At least you know how to do it kapag wala ka nang choice, ikaw na lang. You need to know how to manage your career."


Pangarap daw ni Solenn Heussaff na maging “manager to the stars.”

Ito ay kung sakaling hindi na siya aktibo sa showbiz, pero ngayon pa lamang ay marami na siyang management tips para sa mga stars.

“Baka in the future, magkaroon ako ng agency at ako ang magiging manager,” seryosong sabi ng actress-singer-TV host nang makapanayam siya sa press conference ng bago niyang TV show sa GMA Network, ang All-Star Videoke.

Naroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa loob ng anim na taon ni Solenn sa showbiz, isa sa maipagmamalaki niya ay ang pagiging one-woman team.

Saad ng actress/endorser, “I've been doing so much in the last six years na nasa showbiz ako.

“Ako talaga, I mean, hindi ako nagha-hire ng stylist, hindi ako nagha-hire ng make-up artist.

“Sa movie or even teleserye, ako ang naghe-hair minsan din.

“Parang it's always good to train yung mga artista, yung people.

“At least you know how to do it kapag wala ka nang choice, ikaw na lang.

“You need to know how to manage your career.”

Isang halimbawang ibinigay ng French-Filipina star sa pagma-manage ng career ay ang maling pagsunod ng ilang celebrities sa kung ano ang uso.

Aniya, “For example, yung mga images ngayon, sexy sa covers.

“Minsan nakikita yung mga magazine covers, tapos hindi ko makikita yung difference from 18-year-old to the 30-year-old kasi same ang styling.

“Kapag ganun, paano siya maggo-grow, hindi siya mag-stage by stage.

“Dapat, you need to know your audience.

“You need to know how to be able to spread your work for the next 15 years.”

Ang pinakaimportante raw na ituturo niya sa kanyang magiging talents ay ang disiplina sa trabaho.

“Dapat lagi on time. Kapag nasa set, dapat tahimik lang. Don't get or meddle into controversy,” ani Solenn.

Kasama na rin dito ang tamang paraan ng paggamit ng social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng Alyas Robin Hood actress, “Kapag may problema kayo sa bahay, dapat sa bahay lang talaga, not on Twitter, not on IG.

“Siyempre naman, if you look at my IG, mukhang happy-happy lang.

“Pero, siyempre, may problems din ako like any human being. Pero di ko nilalagay sa [social media].

“You have to know what to share and what to keep to yourself.”

Paalala pa ni Solenn, “You just have to be professional pagdating sa work.”


Stories We Are Tracking

Solenn explains why live-in worked for her and Nico
Solenn explains why live-in worked for her and Nico
Solenn reacts to those saying she is a favorite in GMA-7
Solenn reacts to those saying she is a favorite in GMA-7


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN