Rapper Gloc-9 on drug war: "It makes sense that you deal with the consumers."

IMAGE Rose Garcia

Asked his opinion on the government's drug war, Gloc-9 says: "It's sad kasi po ang talagang tatamaan ng ganitong approach ay ang mas maliliit. Pero for me, it makes sense that you deal with the consumers." He is quick to add, though: "Not literally patayin, pero yung thought ba na makatakot ba."


Kilala ang rap icon na si Gloc-9 sa kanyang mga komposisyong naglalaman ng opinyon ukol sa mga isyu sa lipunan.

Sa katunayan, may kanta raw siyang isinulat sa bago niyang album under Universal Records na tungkol sa mga nangyayari ngayon sa bansa.

Kaya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gloc-9 ay tinanong namin kung ano ang pananaw niya sa mainit na isyu ng drug war na isinusulong ng pamahalaang Duterte?

Pahayag niya, “Ako po ay mamamayan ng Pilipinas at tayo ay sumusunod sa ating Presidente ng Pilipinas.

“Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ikaw ay nararapat na sumunod sa iyong Pangulo.

“May pangyayari man at kanya-kanya tayong opinion, but at the end of the day, hindi po yung pagtatalo, pag-aaway or pagtuturo kung sino ang tama o mali.

“I think, yung pagsasama natin at paghahanap kung ano ang makabubuti para sa nakararami ang importante.”

Nalulungkot daw ang rapper sa mga nagaganap na patayan kaugnay ng drug war na ito, ngunit naiintindihan daw niya kung bakit ang mga gumagamit ng droga, o consumers, ang target ng administrasyong Duterte.

Saad ni Gloc-9, “It’s sad kasi po ang talagang tatamaan ng ganitong approach ay ang mas maliliit. 

“Pero for me, it makes sense that you deal with the consumers. 

“Kasi kung walang consumer, walang producer.

“Kapag tinanggal mo ang producer, may papalit pa rin dahil alam nilang kikita sila dun.

“Kung walang pumupunta sa mall, walang magtatayo ng mall.”

Ang ibig bang sabihin nito ay naniniwala siyang dapat ngang “patayin” ang consumers o ang mga bumibili o gumagamit ng ilegal na droga?

“Not literally patayin, pero yung thought ba na makatakot ba,” paglilinaw niya.

Hindi nagkakasundo sa figures ang kapulisan at ang human rights groups, ngunit ang bilang na ng patay sa drug war ay naglalaro sa 2,500 hanggang 12,000.

Ito ay sa labas lamang ng ilang buwan matapos ng isang taon ng gobyernong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GLOC-9'S BOOK. Sa usapin ng career ni Gloc-9, wala raw sa isip nitong darating ang panahong makapaglalabas siya ng sariling libro.

Isa na namang paraan daw upang maiparating sa tao ang kanyang mga pananaw. 

Ang Akin Lang Naman, ang libro ni Gloc-9ay na inilabas ng ABS-CBN Publishing, ay may dalawa cover na magkaiba ang larawan.

Inakala ba niyang bukod sa pagra-rap ay magiging author na rin siya?

“Hindi po talaga,” mabilis niyang sagot.

“Ito’y kasama na sa bonus wish ko.

“Pero kung ito po ay makakatulong sa mga estudyante, magamit ito in a bigger scale, mai-distribute sa mga eskuwelahan at magamit na text books, napakalaking karangalan talaga.”

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang dalawang kanta ni Gloc-9—ang “Hari ng Tondo” at “Upuan” —ay may apat na taon na ring ginagamit ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan.

Mas lalong hindi rin daw ito naisip na mangyayari ni Gloc-9.

Pahayag niya, “Natuwa po talaga ako.

“Kasi kung meron man po talaga ako na isang bagay na gustong i-impart sa kabataan, yun ay matulungan sila at maituro ko sa kanila kung paano ako sumusulat ng mga letra at maka-inspire sa kanila ay malaking bagay sa akin.”

Ang libro ni Gloc-9 ay naglalaman ng mga kantang siya mismo ang nagsulat.

“Ito po ay mga released songs. 

“Hindi ko po pag-aari ang recording, pero yung thought process nung ginawa ko yun ay sa akin, kaya yun pong mga salita na yun ay puwede na.”

Patuloy niya, “Kaya nga po meron pong song hits, walang nagmamay-ari kung hindi yung nag-isip.”

Sino ang nais niyang tumangkilik o mabigyan ng libro niya?

Sagot ni Gloc-9, “I think yung mga gustong maging manunulat din.

“Kasi po, ang nakakatuwa sa librong ito, puwedeng hindi ka mahilig sa rap, puwedeng hindi mo ako kilala.

“Pero kung ikaw ay interested sa writing, kapag ito’y binasa mo, hindi mo ito babasahin na nagra-rap ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once na basahin niyo ang mga songs na ginawa ko, maiintindihan niyo rin po kung saan ako nanggagaling at kung bakit ko ito sinabi na ito’y akin lang po.”

Paano ba siya naging mahusay na makata?

“Nagustuhan ko lang po…

“Siguro malaking bagay na ako ay taga-Rizal. 

“Ang Tagalog ng Rizal ay iba’t ibang klase.

“Palayo nang palayo at palalim nang palalim. 

“Ako’y unang lumipat sa Cardona, Rizal. 

“Lumaki sa Binangongan, Rizal.

"Pero nag-aral po ako sa Morong na may mga kaibigang taga-Baras at taga-Tanay,” kuwento ni Gloc-9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN