Sharon Cuneta's message to ex-husband Gabby Concepcion brings on both kilig and bashing

IMAGE Instagram photo of Sharon Cuneta

Sharon Cuneta apologizes to Gabby Concepcion for the crazy reaction of their fans to her IG post: "Sorry. A simple 'Thank you' and some people go crazy! I always forget we belong to everyone. I now think that I should have thanked you through our beautiful daughter."


Hindi inakala ng Megastar na si Sharon Cuneta na ang simpleng pasasalamat niya sa dating asawa na si Gabby Concepcion ay magdadala ng kilig sa kanilang loyal fans.

Sa kanyang Instagram account kagabi, August 31, nag-post si Sharon ng “Thank You” quote card.

Sa caption, may mensahe ang singer-actress kay Gabby dahil sa ipinadala nitong durian.

Sabi ni Sharon, “@concepciongabby Thank you for sending the durian through Ara. A pleasant surprise and much appreciated. Hope all's well. God bless!”

Dahil dito ay napuno agad ng mensahe mula sa Sharon-Gabby fans ang post ng Megastar.

Karamihan sa kanila ang nagpahayag ng pagkakilig sa nabasang mensahe ni Sharon para kay Gabby.


Maging ang anak nina Sharon at Gabby na si KC Concepcion ay nakisali sa kulitang naganap sa comment section.

Aniya, “AHEM. Whut ees deees?”


Sagot naman ni Sharon: “Oy shat ap panganay! I have no idea why but, well, made me smile. But wasn't able to eat na cos they were kinda goin bad already when I got them. Probably came a long way. Ask him why you asking me nga ba?!!! He heb no idea d tayming holawd.”


Hindi rin naman inakala ni Sharon na maba-bash siya sa post na ito, na kung tutuusin ay dugtong lang sa naunang post niyang nakapagpakilig.

Isang netizen ang naging negatibo sa naging sagot ni Sharon kay KC.

Kaya naman sumagot muli ang The Voice PH coach.

Sabi ni Sharon, “Hindi pasaring ang durian na malayo ang nilakbay makarating lang sa akin kaya nga nagpapasalamat ako.

"Huwag lagyan ng malisya at maling kahulugan ang mga salitang kabutihan ang dala.

“Dapat pala tinext ko na lang si KC na mag thank you sa papa nya for me. Malinaw po? Salamat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Anu't ano pa man, nagpaabot ng maiksing mensahe si Gabby kay Sharon.

Sabi ng Ika-6 Na Utos actor, “Stay well. Right fruits for better health, better life. Glad you got it. Enjoy :)”


Samantala, humingi ng paumanhin si Sharon kay Gabby dahil sa dami ng nag-tag sa huli ng post niya.

Sabi ni Sharon, “Sorry. A simple 'Thank you' and some people go crazy! I always forget we belong to everyone. I now think that I should have thanked you through our beautiful daughter. Sorry about that. And thank you again. Keep well. God bless you and your family!”

Malamang na ang ibig sabihin ni Sharon sa pahayag niyang "we belong to everyone" ay ang nabuong hukbo ng tagahanga ng kanilang love team noong '80s.


Para naman sa mga nagtanong kung kailan sila muling magsasama ni Gabby sa pelikula, ito ang naging tugon ni Sharon:

“Thank you to all of you, Gabby's and my fans. Sorry there is till no word of a possible movie project for us two, but we will always love and appreciate your love and support for us. Sana whether our projects are two of us together or not, we can count on you. I am sure Gab feels the same way. So I'll tag him! @concepciongabby”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN