Will Devaughn picks this actor if he ever gets asked to do gay love scene

IMAGE Noel Orsal

"Someone of that, you know, nature," says Will Devaughn about the actor he chose if ever he is asked to do a gay love scene.


May gay sites na tuwing naglalabas ng listahan ng male celebrities na “well-endowed” ay laging kasama ang model/actor na si Will Devaughn.

“Oh, okay!” natatawang reaksyon ni Will nang sabihin namin ito sa kanya.

“Actually, wala akong alam na may list, pero alam ko naman na may usapan about things like that.”

Kinukumpirma ba niya na well-endowed “down there” nga siya, o isa lamang itong urban legend?

“Urban legend pa rin yan, basta urban legend yan,” at tumawa si Will.

“It’s a myth, myth lang po yun!”

Flattered ba siya kapag may ganoong isyu tungkol sa kanya?

“Flattered ako, flattered ako,” sagot ni Will.

“Ano ba ang puwede kong sabihin tungkol diyan, except, I guess, thank you?

“I guess it’s okay naman that I’m on the list, you know. But I couldn’t say that there is truth to it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Will sa Victorino’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong August 25 sa presscon ng pelikula nila ni Roxanne Barcelo, ang I Found My Heart in Sta. Fe.

Ang naturang pelikula ng magkasintahan ay kasali sa CineLokal at ipapalabas sa mga sinehan sa September 15.

Ang CineLokal ay ang nilikhang cinema line ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa ilalim ng pamamahala ni Liza Diño-Seguerra, na ang layunin ay tulungan ang indie film sector na magkaroon ng mas malawak na audience.

Ang I Found My Heart In Sta. Fe ay mula sa direksiyon ni Bona Fajardo ng BluArt Productions.

GETTING INDECENT PROPOSALS. Guwapo at hunk, nakatanggap na si Will ng indecent proposals mula sa gays.

At ang pinakamalaking presyong in-offer sa kanya?

“Five hundred thousand!” rebelasyon ng 35-year-old Filipino-German.

Sa pamamagitan daw ng Facebook siya in-offer-an ng naturang bading.

“Matagal na. Hindi ko siya kilala.”

Hindi raw siya na-tempt o natukso sa naturang offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natawa lang ako. Hindi naman ako na-flatter, nakakatawa lang na somebody would actually offer five hundred thousand pesos for… something.”

Hindi raw niya sinagot ang naturang mensahe.

“Dineadma ko lang. ‘Tapos sinend ko sa mga friends ko para wala lang, hindi naman dahil proud ako, wala lang. Para lang, ‘Bro, tingnan mo.’

“Kasi may iba akong mga friends ako na may ganun din. So sabi ko, ‘O, ako rin, meron din,’” at tumawa si Will.

NO TO VIDEO, YES TO PHOTO. Uso sa male celebrities ang may nare-reveal na sex videos, masasabi ba ni Will na hindi siya masasama sa celebrities na nabubukong may sex video scandal?

“One hundred ten percent ako na wala ako,” kumpiyansang sagot ni Will.

Kahit isang beses daw, kahit noong wala siyang girlfriend ay hindi siya nakipag-cybersex kahit na kanino.

Kung bini-video man daw niya ang sarili ay tuwing nasa gym lang.

“Habang nagwo-work out lang.”

Hindi rin daw siya totally naked kapag nagbi-video siya ng kanyang sarili.

Pero payag naman si Will na magpa-photograph nang naka-nude.

“Oo, photo naman. Pero video, hindi. Parang at least yung photo, mukhang artistic nude naman, hindi  naman yung…

 “Pero sa video, one hundred percent sure ako na wala.

“Kasi alam ko naman, eventually, you will regret yung ginawa mo.”

ACTOR HE WOULD DO GAY LOVE SCENE WITH. Pero kung sa pelikula niya gagawin ang pagnyu-nude, kaya ba niya?

“Depende kung maganda yung script, gagawin ko.

“Depende sa role, depende kung sino yung partner ko.”

May kompromiso naman si Will pagdating sa paggawa ng gay love scene.

“Gagawin ko, pero I wouldn’t  show my… no frontal nudity.”

Sino if ever ang pipiliin niyang kaeksena in a gay lovescene?

“Siguro, Jericho Rosales. Someone of that, you know, nature.”

Paano kung ang ipapareha sa kanya na artista ay naiintrigang bading?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang.

“Alam mo, I am content with who I am, I would like to show that I am an artist.

“Ano lang, that would be a nice challenge na rin as long as maganda yung script and magaling yung director and it’s done artistically.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN