Jasmine Curtis-Smith excited about sister Anne Curtis's wedding

IMAGE Nerisa Almo

Jasmine Curtis-Smith on upcoming wedding of her sister Anne Curtis: "We know nandiyan lang siya, it's just around the corner. Pero kasi, yung reality niya parang, 'Shucks, ito na talaga 'yon.' I mean, for her, mas intense talaga yung nervousness."


Magkahalong sabik at kaba raw ang nararamdaman ngayon ni Jasmine Curtis-Smith para sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang ateng si Anne Curtis sa longtime boyfriend nitong si Erwan Heussaff.

“I guess, lahat kami sa family, we know what's gonna happen.

“We know nandiyan lang siya, it's just around the corner.

“Pero kasi, yung reality niya parang, 'Shucks, ito na talaga 'yon.' I mean, for her, mas intense talaga yung nervousness,” sabi ni Jasmine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na press conference ng pelikula niyang Puti noong Huwebes, August 31.

Kahit daw mismong ate niya ay nagulat dahil sa bilis ng takbo ng araw.

Kuwento ng Forever Sucks actress, “Actually, the other day, magkakasama lang kami nina Ate, Erwan... Sinabihan siya ni Erwan na, 'O, in a few days, magse-September na.' [Sabi ni Ate], 'Huh? September na? Parang saan napunta yung taon?'

“Nagulat siya na ang bilis ng takbo ng panahon.

“Lalo na kung ganun ka ka-busy rin naman tulad ni Ate, na hindi lang naman nagsyo-Showtime, mayroon din dalawang pelikula, 'tapos kung anu-ano pang endorsement shoots and advocacies na ginagawa.

“Excited din kami. Hindi mo pa siya ma-feel completely, pero kapag nandun ka na, alam mong grabe yung emotions ng lahat ng tao.”

Pinili nina Anne at Erwan na hindi ipaalam sa publiko ang petsa ng kanilang kasal. Ang tanging detalye na ibinigay ng It's Showtime host noon ay mangyayari ito ngayong taon.

Kamakailan ay nagkaroong Bachelor's Party para kay Erwan sa Siargao, isang senyales na malapit na ang kasal nila ni Anne.


Stories We Are Tracking

Anne Curtis, Erwan Heussaff keep wedding details secret
Anne Curtis, Erwan Heussaff keep wedding details secret
Nico Bolzico's 'wholesome' bachelor's party for Erwan Heussaff
Nico Bolzico's 'wholesome' bachelor's party for Erwan Heussaff

Samantala, tinanong ng PEP si Jasmine kung napag-uusapan nilang magkapatid ang mga maaaring magbago kapag ikinasal na si Anne.

“Hindi masyado,” sagot ni Jasmine.

“Siguro ano lang, just the craziness of the idea na magiging kasal na siya.

“But other than that, yung pagiging magkapatid namin or how she works, kung ano na yung trabaho niya, magbabago ba yung timeline ng schedule niya, hindi pa namin napag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi si Ate, feeling ko, siya yung tao na ayaw niyang magbago nang completely dahil lang nakapag-asawa na siya.

“Si Ate kasi yung tipo ng tao na kahit wala siyang partner, she can still stand on her own, you know, provide for herself or still achieve her dreams.

“So, feeling ko, kayang-kaya niya 'yan kahit ano pang biglang change ang mangyari, na hindi namin ine-expect.”

"HAPPY AND STRONG." Kung si Jasmine naman ang tatanungin, hindi pa raw niya naiisip ang magpakasal.

“Me? No!” natatawang sabi ni Jasmine sa PEP.

“Well, I mean, I'm only 23, so matagal pa yun.

“You know, it's also something na gusto kong isipin kapag feeling ko ready na ako.”

Base raw sa nakikita niya sa kanyang ate, wala pa sa ganung estado ang pakikipagrelasyon niya sa non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

“Kasi, feeling ko naman na nakikita ko how it is for ate, her preparation, or how it is for married couple.

“It's different naman talaga compared to being boyfriend-girlfriend lang.

“That's the type of commitment na, I guess, yung maturity level ko, wala pa dun.

“Pero kapag binigla ako ni Lord, sinabi na Niyang, 'O, ito na talaga yun.' Kung mahal mo naman talaga siya and wala namang tumututol sa kasal o engagement and happy naman ako, we'll see.”

Gayunman, siniguro ni Jasmine na nananatiling matatag ang samahan nila ng kanyang boyfriend.

“Happy, strong, and very honest,” paglalarawan ni Jasmine.

“For someone who's 23, I think I'm at this stage with him na hindi agad naaabot agad-agad in terms of honesty, commitment on the bad days.

“Feeling ko we're doing a great job kasi pareho kaming forced na mag-grow out of our comfort zone.

“Kahit magkaibang-magkaiba kami ng personality, nagwo-work pa rin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN